Continuation...
Miyuki's POV
Pumunta na ko sa sala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko sila paglalapitin ulit?
Hindi naman ako magaling sa mga ganito.
"Are you alright Miyuki?"
"Ay paglalapitin ulit! Ay anu ba yan! *lingon kay Mr. P* Uh oo." Nakatayo pala ako dito. Napansin nya siguro. Umupo na ako dun sa pwesto ko.
"You sure?" Tumango naman ako.Sa totoo lang hindi talaga ako okay. Natatakot kasi ako, hindi mali pala, kinakabahan ako. Bakit kasi ako parte sa plano na to? Dapat kung gusto nya si Unggoy dapat sya ang gumawa pero bakit ako ang gagawa? Ako ang magmo-move? Ako ba sya?
Ewan. Napa-buntong hininga na lang ako.
"Bibili lang ako." Sabi ko.
"Ng alin?" Sabi naman ni Ostritch.Ng alin nga ba? Ay ano bang pwedeng bilin? Kinakabahan ako kasi di naman ako magaling sa mga ganto eh. Mamaya mabuking ako tapos lalo lang lala ang sitwasyon.
Mag-isip ka Miyuki kung ano yung bibilin mo. Yung dapat na maco-convince mo sila.
"Miyuki ano bibilin mo?" Tanong nya ulit. Ano nga ba?
"U-uh.. a-ano.." Tumitingin-tingin na ko sa paligid kung ano yung bibilin ko.
"Ano yun?" Tanong nya ulit. Di makapaghintay?
"TISSUE!" Wait! Ano daw yung sinabi ko!? Out of no where ayun yung sinabi ko. Ba't ayun yung sinabi ko?
"Tissue?" Tanong ni Mr. P na kumunot-noo.
"What the hell will you do sa tissue?" Tanong ni Ostritch.
"Natatae ka ba?" Sabi ni Unggoy.Napa-face palm na lang ako. Anong natatae? Oo, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa tissue pero hindi ako natatae. Meron naman kaming tubig ano.
Tumitingin ako kay Sandy para tulungan ako kaso sya di sya makatingin. Siguro alam nya na kailangan ko tulong nya kaya di sya tumitingin sa kin.
Bakit ba ako ang nahihirapan dito? Dapat sya tong nasa pwesto ko eh.
"Para ba yan sa ida-drawing mo?" Sabi ni Mr. P
Oo nga no. Pwede ko yung alibay. Tama!
"U-uh.. Ano Oo. Tama. Kailangan ko yun sa drawing." Thank you Mr. P.
"Are you sure?" Sabi ni Unggoy na iba ang tingin sa akin. Wag mo naman akong pahirapan dito Unggoy oh. Nahahalata mo ba? Hindi ba ako marunong mag-sinungaling?
"Uh... Ano... Uh... Oo." Pinagpapawisan na ako dito. Yung kamay ko pasmado na.
"Ba't ka kinakabahan?" Sabi ulit ni Unggoy. Shocks na malagkit. Kamote. Oo na. Hindi na ako marunong mag-sinungaling pero kailangan kong umalis dito. Kailangan magkaroon ng quality time kayo though dapat si Sandy ang gumagawa nito at hindi ako.
"Ako? Kinakabahan? Psh.. Hindi no. Ah bibili lang ako. Wait lang." Kamote ka Miyuki. Hindi talaga ako marunong mag-sinungaling o
"Samahan na kita!?" Laking gulat ko ng sabay-sabay silang nagsalita.Yung dalawa okay pa. Hindi, si Ostritch okay pa. Ang nakakapagtaka lang yung dalawa si Unggoy at lalong-lalo na si Mr. P. Anong nakain nila at naging ganun ang reaksyon nila? Nagka-drugs nga tong dalawang to.
"Nako! Wag na. Ako na lang mag-isa." Ano ba yung sinabi ko? Ang tanga mo talaga Miyuki.
Dapat pala pumayag ako kaso mas magre-react sila kapag inayawan ko si unggoy. Gusto ko na magpa-lamon sa lupa. Ang hirap nito.
"No I insist. San ka ba bibili?" Sabi ni Ostritch.
"Sa 7/11."
"7/11? Sa may kanto nyo pa yun uh. Ang layo naman."Sabi ulit nya. Pumayag ka na para problema ko na lang tong si Mr. P
"Eh maganda tissue dun eh." Ano daw?
"Okay. Tara.."
"Sama ako." Sabi ni Mr. P na walang kabuhay-buhay.
"Oh sige na. Tara na." Di na ko nagpakipot dahil ayun talaga ang plano ko na sumama sa kin yung dalawa para magkaroon ng moment yung dalawa. Ay ang gulo puro dalawa!!!!!
"Di ka ba magpapalit muna?" Tiningnan ko yung suot ko. Ay oo nga pala naka-dress pa pala ako.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Novela JuvenilLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."