Oya's POV
Ayoko pa talaga umuwi sa bahay dahil boring, kaya nandito lang ako. Siguro naman sa mga ginagawa ko sa kanya, unti-unti na syang nabibighani sa 'kin? Unti-unti na syang natatalo. Konti na lang. Wala pa sigurong ilang buwan, matatapos na kaagad ang laro namin.
Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay ng kumag na yun. Nilalamok na ako. Kanina pa ko dinadapuan ng mga lamok. Alam kong masarap ako pero hindi ko na matiis tong mga pesteng lamok na to. Pumasok na ako sa kotse ko. Sa driver seat ako pumunta. Nilalamok na ako dito. Binuksan ko yung aircon kaya automatic na naka-bukas yung engine.
Biglang may naramdaman akong nag-vibrate. May nag-text.
From: Russel
Asan ka? Nandito kami sa bahay mo. Kasama ko si Alvin.Di ko pala sa kanila nabanggit na nandito ako at hindi uuwi.
To: Russel
Di ako uuwi. Bahala kayo kung gusto nyo matulog dyan sa bahay.Send.
Wala na akong balak na umuwi. On the other hand, kung titingnan kanina, nakakaawa si Henderson. It just goes to show how much Henderson loves her mom. Parang uuwi lang nanay nya sa Davao pero kung umiyak sya kanina wagas. Waterfalls ang iyak nya. Drama.
Ayoko sa mga babae pero yung the way her mom treat me para bang imbes na mainis ako natuwa pa ako. Never ko pang na experience na may nagtrato sa 'kin ganun kanina. Sa bahay tahimik. Parating wala si dad and si sir (My grandpa. I don't usually call him lolo, grandpa or kung ano pang tawag sa mga lolo.). Me and my dad are not close. If I scale from 1 to 10 mga nasa 4. We're not really close kasi parating wala sya at kahit nandyan sya busy pa rin sya. Workaholic. Tss. Wala naman sa 'kin yun. Sanay na ako.
Si Sir naman sobrang hindi kami close. Parating wala din sya at kung andito man, just like dad busy rin sya. And I don't even care. Sanay na sanay na ako sa kanila. Kung nandito na si Sir parati akong pinapagalitan. Kaya kung nandito sila sa bansa parati akong wala.
Ayoko sa bahay. Sobrang laki ng bahay namin. Ang kasama ko lang dun mga maids at butler. Sobrang boring kaya mas okay pa ako na dito na lang. Sanayan na lang.
They say that being alone is so boring but I say that being alone is so awesome. Sanay na ako maging alone. Sa buong buhay ko sila Russel and Alvin lang ang kasama ko. Sa lahat ng kabaliwan, kataranduhan at kabwisitan sila ang kasama ko. They are my pals. Pucha! Ang drama ko ngayon. Di bagay. Nagiging bakla ko. Peste kasing kutong lupa na yun eh.
Buti na lang at may phone ako para di ako madaling ma-boring at buti na lang may tv dito sa porsche kong kotse. Sanay na rin naman akong late na matulog, minsan nga di pa ako natutulog.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. Sunod-sunod. Ibig sabihin may tumatawag.
Calling Russel...
Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag.
"Oh."
(Bro!) Boses ni Alvin.
"Bakit?"
(Bakit di ka uuwi? Saan ka?)
"Wala kang pakelam." Simpleng sagot ko sa kanya. Hindi ko sya magulang para mag-explain ako at kahit magulang ko sya hinding-hindi ako mage-explain sa kanya. Lelang nya.
(Psh. Ano ba yan. Nasa entertainment room pala kami. Nasan ka ba ha? Sabihin mo na lang, punta rin kami dyan.)Ang kulit nitong lalake na to. Mag-iingay lang to kapag pumunta dito.
"Basta. Ayun lang ba tinawag mo?"
(Bro naman eh! Nasan ka ba? Tatlo lang naman ang pwede natin pagpilian kung nasan ka. Either sa bahay mo, bahay ko o bahay ni Russel pero nasan ka ba ha? Di ka naman galaero eh. Nasa bar ka ba?)
"Para kang nanay kung mang-sermon sa 'kin. Wala ako sa bar. Hindi katulad mo tuwing Linggo pumupunta dun. Basta wala kang pakelam kung nasan ako. Basta di ako uuwi kaya wag na kayo mag-baka sakali pa."
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Genç KurguLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."