Chapter 21 (He said yes)

67 2 0
                                    

Sandy's POV 


It's hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na tama na, na kailangan na mag-move on, na itigil na itong kahibangan ko ay hindi ko pa rin magawa. Gusto ng utak ko pero ayaw ng puso ko.


Ganun naman ata talaga. Ang puso natin kahit alam na nasasaktan na tayo patuloy lang nya itong ititibok sa mahal natin kasi mahal nga natin sila.


Kaya ko nga ba? Kaya ko nga bang hindi na mahalin si Oya? Kaya ko na bang tanggapin na wala na talaga kaming second chance? Kaya ko na ba talaga sya i-let go?


Ang hirap. Sobrang hirap. Parang sinasaksak ang puso ko kapag naiisip ko na ile-let go ko na sya. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang i-let go si Oya.


Sa kanya ko natutunan kung paano mag-mahal, maging ako at masaktan. Pero kahit na!


Alam ko sa sarili ko na minahal nya rin ako. Hindi nga lang sa paraang alam ko pero at least minahal nya ako. Ayaw nya akong makitang nasasaktan at nahihirapan. Okay na sa akin yun. Ang malaman na he also cares for me. 


"Last day na bukas diba?" 


Napa-angat ako ng ulo at lumingon sa nag-salita.


Sya. Sya na naman? Anong ginagawa nya dito? And more importantly paano, bakit at saan nya nalaman na last day na ang mission ko kay Oya? Is she really a witch?


Ngumiti sya ng kaunti at imbes na mag-salita ako ay napaiyak na lamang ako. Because it strikes me. It literally strikes me na last day na bukas. 


Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko para takpan ito. Ayokong may makakita sa akin na umiiyak ako. Ayokong may makakita sa akin na mahina ako. Ayokong may makakita sa akin na ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko dahil umibig ako kay Oya na alam ko naman na hindi nya maibabalik ang feelings ko. 


Woman hater si Oya. Alam ko yun at naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko mabago ang perception nya. 


Sa mga teleserye, movies and stories kapag may childhood friend kang lalake 65% may chance na maging kayo. Grabe ang paniniwala ko dun pero hindi ko alam na nasa reality pala ako. Hindi ko man lang naisip na woman hater si Oya. 


"How many times do you need to get hurt for you to know it's time to let go? Wag mong ipanalangin na bumalik ang taong nang iwan sayo. Ang ipanalangin mo ay bumilis ang oras, para makita mo na ang dahilan, kung bakit hindi sya para sayo. Mahirap mag-let go pero kapag gusto mo talaga makakaya mo." 


Mas lalo akong naiyak sa sinasabi nya. Tama naman kasi sya. Lahat ng mga sinasabi nya, noon pa, ay totoo. Hindi ako nakinig sa kanya, sa kanila, kasi alam ko sa sarili ko na mamahalin ako ni Oya.


Pero tingnan mo nga naman sa anim na araw wala man lang ako napala. Sa anim na araw mas lalo ko lang sinaktan ang puso ko. Masisisi ba nila ako?

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon