Introduction

182 1 0
                                        

MIYUKI's POV

"Miyuki ano na!" Makasigaw naman si Chi wagas.

"Wait lang kasi! Natataranta din ako no."

"Ilang oras na lang kasi party nyo na. Wala ka pa ding gown hanggang ngayon at hindi ka pa ayos!"

"Alam ko! Wag kang sumigaw! Eh sa kasalanan ko ba ha? Wala naman akong magarbong gown."

"Hiramin mo na lang kasi yung akin o kaya patulong tayo kay tita." Baliw na ba sya ha? Sa Mi ko pa talaga eh ayoko nga. Kilala nya ang Mi ko at God knows kung pano manamit yun.

"Nagbibiro ka diba? Kilala mo si Mi. Reen ano masasabi mo?" Tingin ko kay Reen.

"No comment." Hay! Kahit kelan talaga oh.


Kainis naman kasi eh! Ilang oras na lang at tama si Chi hindi pa ako ayos. Wala pang suot. This is the time. Ito yung most awaited ng mga college student. Kailangan maging perfect.


Umupo na ako sa kama. Si Reen ayun as always nagbabasa pa din ng libro at nakasalpak ang earphone, nagmumusic na naman habang nakahiga sya ngayon. Si Chi naman yun nasa closet ko pinaghahagis na dun yung damit ko. Naghahanap pa din sya ng masusuot.


Parang nanay nga kung mag-sermon eh bakit daw wala akong dress kahit isa eh sabi ko pwede namang yung ginamit ko nung communion, okay pa naman yun, kasya pa naman sa kin. Ewan ko ba kung bakit ayaw nya.


"Nasan ba kasi si tita? Ayaw mo kasi magpatulong dun o kaya sila Sandy at Jolens diba mga tropa mo yun? O bakit di ka nila tinutulungan."

"Nasa cr na l-lbm eh. Eh alam mo naman kasi diba? Remember yung graduation? Tapos bawal kasi sa Academy ng ganun. Bawal magtulungan o bawal ng connection between us mga students kapag palapit na ang party. Kailangan kasi magbonggahan." Totoo yun, pag-bonggahan nga daw kasi.

"Ganun? Ang sosyal talaga ng school mo. Wait! Ay oo nga no. Muka kang zombie nun. Tama! Wait ka lang dyan baka may tinatago ka pa dito." At nagpatuloy na syang maghanap. Bahala ka Chi wala kang mahahanap dyan dahil wala naman talaga.


Bigla may nag-door bell.


"Wait nga lang." Nagpaalam na ako sa kanila at bumaba na. Binuksan ko na yung pinto at guess what kung sino ang nasa harapan ko...

"Hi!" She gave me a huge smile. Kumunot-noo ko naman tiningnan sya.

"Ha? Ikaw? Pano mo nalaman bahay ko?"

"Wag ka ng maraming satsat. Tara sumama ka sa akin ayusin natin yang problema mo, apat na oras na lang ang natitira." Hindi pa ako sumasagot hinila na nya kagad ako.


Pinapasok nya ako sa may van laking gulat ko kasi may mini salon dito. Pinaupo na nya ako at in-introduce sa mga kasama nya tapos umalis na sya. Ilang minuto eh sinimulan na nila akong ayusan.


Pagkatapos akong make-up-an eh pinasuot na nila sa akin yung gown at yung heels.


Pagkatapos ng ilang oras. Nagtaka nga ako kasi bakit, ganun na ba talaga ako ka panget at matagal akong ayusan? Ilang beses ko na yang napapansin ah.


Pinagtry na nila ako ng mga damit dito. Naka-ilang palit na nga ako ng damit dahil parang di sila satisfy sa nakikita nila. Not until sa huli kong sinuot. Lahat sila natuwa kaya sa huli ayun ang pinasuot nila sa akin. Bagay naman daw since malaki daw ang braso ko, tamang-tama lang yung outfit sa akin.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon