Miyuki's POV
Nasa room na kaagad ako. Deretso table kaagad ako kasi wala pa kong nagagawa. Sana wala pa si sir, ma-late pa, tinawagan ni Ms. Dean, absent sya at kung anong reason pa na pwedeng hindi muna sya pumasok ngayon.
Wala pa talaga akong gawa. Nakakahiya naman kapag hindi ako nagpasa. Transferee student na nga ako tapos research paper namin wala akong gawa. Nakakahiya naman.
Akmang magsusulat na ako ng.....
"Good Morning Class."
Nako po! Andito na si sir! Ayoko na. Wala pa talaga akong nasusulat. Kainis kasi si unggoy eh. Bwitit!
Ito na eh. Magsusulat na ako tapos bigla syang dadating? Nagwi-wish na nga ako na sana ma late tong si sir tapos biglang susulpot pa.
Eh sa nakikita ko ngayon parang wala sa mood si sir. Nakataas kasi yung kilay nya na parang any moment papapuntahin kami lahat sa detention.
"Pass your research paper.. Kailangan before 10 nasa akin na. 10.. 9.." Mataray na sabi ni sir.
Agad-agad? Hindi ba pwedeng tanungin nya muna kami kung kamusta chever kever. Mga ganun? Huhuhu.. Putik! Help me! Wala akong gawa! Help me po! Pwease!
Kinuha ko kagad yung ballpen ko at nagsulat kagad dun sa papel ko. Habang yung mga classmates ko pinapasa na nila yung gawa nila. Unfair! Mamaya nyo na ipasa. Huhu..
"Gosh!" Hindi ko napigilang sumigaw. Wala pa kasi talaga akong gawa. Double Praning. Kung ano-ano na yung sinusulat ko dito sa papel ko. Hindi ko na nga maintindihan eh. Hindi ko na nga alam kung ano yung pinagdadrawing ko.
"8... 7... 6... 5... 4..." Wag nga kayong magbilang sir! Alam namin kung paano mag-bilang! Lalo nyo lang ako pinapataranta dito eh. Tarantang-taranta na nga ako dito oh. Inangat ko yung ulo ko at pansin ko na lahat ng papel eh nandun na. Okay! Wala na talaga! Wala na kong first activity namin. Kelangan pa naman yun. Yung activity namin mataas pa naman 40% eh.
"3... 2... and 1.. Wala na? Okay."Wala na nga talaga.
Wala na talaga akong first activity. Kasi naman eh. Kung hindi lang ako palipat-lipat ng upuan hindi magkakaganto eh. Nawala kasi yung pagiging patient ko ayan tuloy yung nangyari.
Napa-ubob na lang ako sa desk ko. Napansin ko kasi si sir na binibilang yung mga papel eh. Wag nyo na bilangin sir. Ako lang yung hindi nagpasa. Wag nyo na pahirapan yung sarili nyo.
"Very good class! Lahat kayo ay nagpasa. Buti pa kayo kumpleto di katulad nang iba na kulang-kulang na nga di pa kumpleto. Anyway, good job class dahil porket na 1 hour lang ang time na binigay ko sa inyo ay natapos nyo pa din." Masayang sabi ni sir. Akala ko ba galit to ah? Bakit biglang ngumiti akala mo nanalo sa lotto.
Pero wait? ANO DAW!?
Bufferring... Loading..
Lahat daw 'kame' nagpasa!? As in lahat? Eh wala nga ko pinasa eh. Pano mangyayari yun? Nandito pa yung papel ko oh. Ni hindi ko nga pinasa eh, tapos magiging kumpleto. Papaano? Anyare?
Sino gumawa sa kin? Sino kaya? Bakit naman nya ako gagawan? Hindi kaya nagkamali lang ng bilang si Sir? Imposibleng kumpleto kami dahil hindi naman ako nagpasa.
Pero sino kaya talaga yun? HELP!
Pero kung sino man yun. Nagpapasalamat ako sa kanya ang bait nya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. May concern din pala sa akin. Hindi naman nagkamali si sir ng bilang kasi inisa-isa nya pa eh. Pero kung sino man yun salamat talaga. Hulog sya ng langit. Ang bait nya.
"SALAMAT HA! KUNG SINO KA MAN EH NAGPAPASALAMAT PO AKO! SALAMAT TALAGA!"
Sinigaw ko lang naman yun. Wala na kong pakelam. Wala naman si sir eh umalis kaya di ako papagalitan. Hehehe.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."