Narrator's POV
"My princess!" Nagyakapan bigla ang mag-ama tumayo naman kagad si Oya. Pag-nandito ang daddy ni Sandy nagiging mabait syang tao. Ume-evolve si Oya kapag nandito ang daddy ni Sandy.
Sobrang ibang-iba sya kapag nandito ang daddy ni Sandy. Only child lang kasi si Sandy at sa kasamaang palad naging childhood friend nya ito. Hiwalay na din kasi ang mga magulang ni Sandy.
Nasa poder sya ng daddy nya ngayon dahil may napagkasunduan sila na once na naging 23 yrs. old na si Sandy pupunta na sya ng states at dun na sya titira kasama ang mommy nya. Wala syang magagawa dahil napagkasunduan na ng magulang nya iyon. Kaya may 3 na taon pang nananatili habang magkalayo na ang mag-ama. Kahit na ayaw ng daddy nya wala syang magagawa dahil napirmahan na nya ang document kasama ng annulment nila.
At dahil sa sitwasyon nila nang mga time na iyon si Oya lang ang sandalan nito kaya akala siguro ng daddy nya na sila dahil sa sitwasyon na araw-araw ay magkasama ang dalawa. Dahil dito napagpasyahan ng daddy ni Sandy kay Oya na kahit anong mangyare hinding-hindi nya ito pababayaan at paiiyakin, dahil sa mga bata pa lang sila noon kaya pumayag na lang sya sa mga sinabi ng tatay ni Sandy.
Pero ngayon pinagsisisihan na nya ito. Dalawa lang ang rason, una dahil sa ayaw nya talaga kay Sandy at pangalawa dahil hindi nya natupad ang kasunduan nila na hindi nya ito hahayaang masaktan at paiyakin dahil sya mismo ang dahilan kaya bakit hanggang ngayon nasasaktan at umiiyak si Sandy. Kaya kapag nandito ang daddy ni Sandy wala syang magagawa kung hindi maging plastic. Kahit na wala sa vocabulary nya dahil isa syang straightforward na person, wala syang magagawa kung hindi makipag-plastikan dahil sa nangako sya sa daddy ni Sandy.
"Good evening po." Sabay bow nya. Kahit na ayaw nyang batiin eh binati nya pa rin ito.
"Good evening too Oya. Long time no see." Pilit na ngumiti ito.
"Daddy are you hungry na? Let's eat!" Yaya ni Sandy. Alam ni Oya na nagsisimula na si Sandy na gumawa ng move. (Hindi nya totally alam yung operation ni Sandy sa kanya)
"Yup. I'm starving."
"Tamang-tama ho. Kakatapos lang maluto ng dinner at nakahain na po ngayon ito sa lamesa." Singit ni butler Greg.
"Great. Tara kumain na tayo. Oya tara na." Yaya nito kay Oya.
"Hindi na po Uncle. I gotta go late na din kase."Pag-tanggi ni Oya.
"Hindi pa nga tayo nakakapagstart gumawa sa project natin eh." At sabay pout ni Sandy.
"I already told you, di ako magtatagal." Gusto na nyang itaas ang boses nya kaso pinapakalma nya lang ang sarili.
"Why not join us Oya? Its been a long time since I saw you and its been a long time na sasabay ka sa amin sa dinner."
'Parehas kayo ng Daddy mo, parehas na makulit.' Sa isip-isip ni Oya.
"Pasensya na talaga Uncle pe-"
"Sige na kasi Oya! Kakain lang naman tapos pwede na natin gawin yung sa project natin." Habang sinasabi nya iyon nakahawak sya sa mga braso ni Oya at nagpapacute. Nandidiri naman si Oya kahit na gusto nyang itulak at sigawan si Sandy hindi nya pwedeng gawin iyon dahil nandito ang daddy ni Sandy.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."