Sandy's POV
-DAY 4: Oplan Make him fall inlove to me -
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Well, sino ba ang makakatulog kagabi sa mga nangyari? Masyado akong nawalan ng tubig kagabi sa sobrang iyak ba naman.
(Ang tanga mo kasi) Oo na! Tanga na kung tanga. Kasalanan ko ba nagmahal lang naman ako. I don't know if I'm going to attend to school or not. I think I have a headache and also heartache.
Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya kaagad ko itong kinuha.
From: My baby Oya <3
Sinend ko na sayo yung idea ko about sa project natin. Ikaw na lang bahala kung okay sayo yun o hindi.
Naluluha na naman ako. Bakit ba sobrang cold nya sa kin? Kasalanan ko ba na minahal ko sya?
[Reply]
To: My baby Oya <3
Good morning Oya :) Okay. See you later. :)
"Erase. Erase.." Bulong kong sabi sa sarili ko.
Binura ko yung ite-text ko dapat sa kanya. Hindi ko alam ang irereply ko. Gusto kong mag-reply kaso anong irereply ko?
Ulitin ko na lang ulit.
[Reply]
To: My baby Oya <3
Good morning. Nasa school ka na?
"Nooo. Ang panget. Erase." Iling-iling kong sabi.
Binura ko na naman yung irereply ko dapat sa kanya. Ano ba naman to. Ang hirap naman.
"Again."
[Reply]
To: My baby Oya <3
Thanks. Okay. About yesterday pwede ba-
"No. Mamaya magalit na naman sya sa kin hindi na ko papayag. Erase."
Paulit-ulit lang ako sa ginagawa ko. Magta-type tapos ide-delete ko ulit. Ano bang magandang ireply ha? Yun bang magrereply din sya?
[Reply]
To: Alvin
Okay. Thanks. See you later. :) Ah Oya about sa nangyari kagabi we need to talk. Hindi pwede na parati na lang ikaw cold sa akin.
Send.
"Its now or never. Kailangan naman talaga naming mag-usap tungkol dun."
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Novela JuvenilLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."
