Chapter 22.3 (Last Day)

19 0 0
                                    

Sandy's POV


Letting go isn't about giving up. It's just that there are things that cannot be.


Paulit-ulit na nasasagi sa isip ko ang fortune cookie kanina sa Chinese Resto.


Kinakabahan ako. Sobra. Unti-unti ko na kasi na re-realize na may chance talaga na magiging negative ang result na to.


Talaga bang kaya ko sya i-let go? Talaga bang ready ako?


Naglalakad na kami ngayon ni Oya. Gaya nga ng sabi nya once na nasa mall ako hindi pwedeng hindi ako mag-shashopping. It's a good thing na sya ang nag-aya.


Nasa Etude house ako. Nag-cr muna sya at ako naman ay naghahanap ng bagong make-up dito.


I like Etude house kasi maganda talaga mga make-up dito at kahit mahal worth it naman. Tsaka duh, kahit mahal yan kaya ko yang bilhin.


"Hi ma'am. Maganda po yan ma'am. Bagay po sa inyo." Sabi ng saleslady.


Nasa blush on section ako. Light lang naman ang make-up na ginagamit ko. Maganda rin naman ako kapag makapal ang make-up ko pero mas komportable ako sa light lang.


Nakita ko sa peripheral vision ko na may mga kinikilig na saleslady dito. Tumingin ako sa entrance ng Etude House.


Kaya pala.


Nandito na kasi si Oya. Nasa labas sya, nakalagay ang kamay sa bulsa at nakatingin ng deretso dito.


Maraming tumitingin sa kanya sa bawat daan ng mga tao. Yung iba nagpapa-picture pa sa kanya pero binabalewala lang nya.


Nagtama ang mata namin at akala ko sisimangutin nya lang ako pero nagkamali ako.


Nagkibit-balikat sya at ngumiti ng kaunti.


Nabigla naman ako sa ginawa nya at bumilis ang tibok ng puso ko. Kung hindi ko narinig ang mga babae dito na nagsisitilian hindi ako magigising.


"Ma'am kilala nyo po?"

"Ma'am boyfriend mo?"

"Wow. Ang astig. Bagay po kayo. Swerte maganda at pogi."


Napatigil ako sa sinabi nila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.


The side of me is happy but the other side of me is frustrated because I know what is really the truth.


Kung hindi lang kasi nangyari yun, sana kami pa. Sana masaya kami at hindi ako nafu-frustrate ng ganto.


Muntik ko nang makalimutan na nagtatanong pala sila kung hindi pa pumunta sa harapan ko yung isang saleslady.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon