Continuation...
Miyuki's POV
"Pero bakit? Maganda naman sya ah mabait, matalino, mayaman. Bakit di mo sya kayang mahalin?"
Nakatingin ako sa kanya ng naka-kunot ang noo dahil curious kasi talaga ako kung bakit hindi nya magustuhan si Sandy. Sa totoo lang, kung lalake ako liligawan ko talaga si Sandy. Kahit maarte kasi yun mabait rin naman sya at sobrang ganda pa, ang anghel ng mukha.
"Dahil..." Tumingin sya sa akin. Nagulat ako sa ginawa nya pero syempre hindi ko pinahalata sakanya.
"Dahil ano?" Inip kong tanong. Pa-bitin effect pa kasi eh.Naalala ko mag-childhood friend sila kaya posible na magka-gusto si Unggoy kay Sandy. Pero ano ang rason kung bakit hindi kayang ibalik ni unggoy ang pagmamahal na binibigay ni Sandy sa kanya?
"Basta. Tsk." Tumingin na si Unggoy sa harap ulit at uminom ng kape.
Nyak! Akala ko naman sasabihin na nya, pero sino ba naman ako para sabihan nya yung rason kung bakit hindi nya magustuhan si Sandy? Mag-kaaway lang naman kami.
"Labo mo din eh, tara na nga umuwi na tayo." Yaya ko sa kanya. Masyadong gabi na at may pasok pa kami bukas baka ma late ako ng gising nyan.
"Ayoko." Aba! Kung maka-ayoko wagas ha!
"Anong ayaw mo? Tara na kasi." Yaya ko ulit sa kanya. Taeng-tae na kasi talaga ako umuwi, isama mo pang kating-kati na ako dito sa suot ko. Bakit kasi hindi muna ako nagpalit? May kalahating tanga talaga ako.
"Ayoko! Basta umupo ka!" Ano bang problema nito? PMS? Wag nya ako idamay!
"Tsk. Ba't kasi tayo pumunta dito?! Ba't kasi ako pwede naman yung dalawa mong kaibigan ah?!" Sumigaw na rin tuloy ako.At bakit kasi ako ang hinigit nya ha? Pwede naman yung mga barkada nya ha? Buset sya.
"Wala kang pakelam! Umupo ka dyan!" Nakatingin sya sa akin na para ba syang Nanay na sinasabihan ang anak nya na tumigil sa kakaiyak. Aba! Sasapukin ko na tong isang to.
Napatingin ako sa paligid at pansin ko na medyo marami-rami na ang nakatingin sa amin. Ang lakas kasi ng boses ng isang to eh, daig pa babae kung sumigaw.
"Tumahimik ka na nga madami ng naka-tingin sa 'tin." Pinandilatan ko pa sya para tumigil sa kakasigaw. Pwede naman mag-usap kasi ng hindi nasigaw. Nakakain ba to ng microphone ha?
"At dahil yun sayo!" Sabay turo sa 'kin. Aba at--- UGH! Buset talaga sya kahit kelan. Pinabayaan ko lang sya at tumayo na ako. Gusto ko na talaga umuwi. Bahala sya, kung ayaw nya umuwi eh di wag di ko na problema yun.
"Oh ano?! Sasapakin mo ko? Tatadyakan mo ko? Psh." Anong problema nito? Nabaliw na, na sobrahan sa kape. Tiningnan ko sya ng anong-problema-mo-look.
"Ano pinagsasabi mo? Kakakape mo tingnan mo na bobo ka na, ay hindi bobo ka na pala talaga." Biglang syang tumayo at tiningnan ako. Napalula nga ako, matangkad nga pala tong unggoy na to.Nakatingin lang sya sa akin ako naman hinihintay ko lang sya.
The next thing I knew ang labi nya ay nakalapat na sa labi ko. Automatic na lumaki ang mata ko sa ginawa nya. Tinulak ko kagad sya at automatic na umatras ako. Hanggang ngayon ang laki pa rin ng mata ko. Nagulat ako sa ginawa nya, sino ba naman ang hindi magugulat ha? Out of the blue hahalikan ka at ang matindi HINDI KO NAMAN SYA BOYFRIEND PARA HALIKAN AKO!
Kainis! First kiss ko yun! Kinuha nya ang first ko! Lintek! Manyak talaga sya kahit kelan!
Dahil sa ginawa nya tumigil sa pag-tibok ang puso ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Smack lang yun pero hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang labi nya.
"Halik lang pala magpapatigil sayo eh. Psh." Nung nagsalita sya dun lang ako natauhan.
Walang hiya talaga sya! Kabwiset talaga kahit kelan!
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."