Miyuki's POV
"Guys wait lang ah. My Dad calls me." Saad ni Sandy. Tumango lang ako at sya naman ay umalis sa room. Kailangan nya pa kamo bumaba para masagot yung tawag ng Dad nya kasi dito sa floor na to walang signal.
Unfortunately ang naiwan lang dito sa room na ito ay kami ni unggoy. Kami kasi yung nahuli sa paggawa ng paso, pero actually di talaga ako dapat damay dito pero dahil sa kinulit ako ni Sandy wala tuloy akong nagawa kung hindi hintayin sila.
At ito kami nagdo-double check kung okay na ba ang lahat. Pero pansin ko ah bakit kaya ako kinulit ni Sandy na hintayin sila? Diba may mission sya? Wag mong sabihin---Awtsu!!! Wag naman sana.
Sikreto kong tiningnan si Unggoy. Okay lang naman na titigan sya eh hindi naman nya mahahalata.
"Baka matunaw na ko nyan." Napa-iwas kaagad ako ng tingin ng nagsalita sya. Shiz! Alam nya? Anubeyen! Nakakahiya.
"Excuse me hindi ako nakatingin sayo." Geh palusot pa Miyuki. Huling-huli ka na.
"Talaga lang ha? Sige convince mo pa sarili mo."
"Che! Bilian mo na nga dyan! Gusto ko na umalis!" Ngumisi lang sya.
Nakakainis! Nahuli pa ako ng unggoy na yun. Dumeretso na ko sa may pintuan. Makaalis na nga dito. Mamaya ano pang magawa ko dito.
"Ha?" Napakunot-noo naman ako bigla.
"Bakit?"
"Ayaw bumukas." Tiningan nya lang ako ng masama. Aba'y ayaw maniwala ng unggoy.
"See it for yourself kung ayaw mo maniwala." At gaya nga ng sinabi ko pumunta nga sya sa may pintuan. At gaya din ng ginawa ko kanina, di rin nya mabuksan yun pintuan. "Paano na yan?"
"Aba'y ewan ko," Sabay tingin sa kin. ".. siguro plano mo to no para makasama ako?"
Spell Hangin! K-I-S-H-I-D-A!
Nabigla ako sa kanya dahil sinipa nya yung pintuan. Grabe sya! Masira yung pintuan, bayaran pa namin yan. Ay rich kid nga pala tong isang to. Geh sipa lang!
"Oy tumigil ka na nga kakasipa dyan!" Mamaya kasi pagalitan ako ni Mam Zapanta kapag nasira ang pinto.
"At bakit ako titigil ah? Na-locked tayo ano ba." Inis na sabi nito.
"Pupunta naman dito si Sandy mamaya. Wag ka mag-alala."
"Tsk. Bahala ka." Tapos umupo na sya sa may sahig, malapit sa pinto.
Wait lang. Pano kami na locked ha? Eh diba dapat hindi kami na locked kasi nasa loob kami so dapat mabubuksan namin? Pero bakit ganto? Matanong nga si Unggoy.
"HOY! Diba dapat di tayo ma locked kasi nasa loob tayo? Dapat nabubuksan natin to ah."
"Iba kasing pintuan yan. Pansinin mo yung door knob walang saraduhan. Sa labas talaga sya ni lo-lock and unfortunately may nag-locked or accidentally na locked tayo." Ahhhhhhhhhh okay. Kaya pala iba yung pituan nato. High tech. much!!!!!
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."