Miyuki's POV
Naisipan kong sa bench na lang ako magpa-practice. Mas maganda para makita ko yung buong paligid. Nagda-drawing lang ako dito. Kailangan ko mag-practice para sa audition mamaya, isang oras na lang kasi yung natitira. Kung kanina hindi ko pa ramdam yung kaba, ngayon ramdam na ramdam ko na. Kinakabahan ako, sobra. Mamaya kasi hindi ako makapag-drawing ng maayos o di kaya kabahan ako ng sobra. Ewan. Iniisip ko pa lang tuloy kinakabahan na kagad ako.
Hindi ko maiwasang hindi isipin yun nangyari kanina. Yung pagso-sorry ni Unggoy, yung pagbilis ng tibok ng puso ko at yung parating pag-baliktad ng sikmura ko. Hindi ko tuloy maiwasan kung okay pa ba ako o hindi. Hindi na ata normal tong tyan at puso ko, kung ano-ano na nangyayaring hindi ko naman gusto.
Huminto ako sa pagda-drawing at napabuntong-hininga na lang. May sakit na nga ata talaga ako.
Napawi ako sa pagda-daydream ko ng may nakita ako sa peripheral vision ko na may nakatayo sa harapan ko. May nakatayo sa harapan ko!
Agad kagad 'kong tiningnan kung sino yung nasa harapan ko at laking gulat ko sa nakita. Hindi ko akalain na magkikita ulit kami. Automatic na lumaki ang mata ko at napa-sandal ako sa upuan. Why is he here? Alam kong nag-aaral sya dito pero sa laki ng school na to bakit nandito sya sa harapan ko? Sinusundan nya ba ako? Psh. Miyuki Izumi Henderson ba't ka naman nya susundan? Ano ka chicks?
"Is this your's?" Nakatingin sya sa 'kin ng deretso. Ako naman imbes na umiwas sa mga tingin nyang nakakamatay, mas lalo pa akong tumingin sa kanya. Nakaka-hypnotized ang mga titig nya. Yun bang nakakatulo ng laway.
Nakita ko syang nag-roll eyes at ngumisi. Wait, anyare?
May kinuha sya sa bulsa nya na panyo at bigla nyang--- bigla nyang pinunas sa bibig ko!
Mas lalong lumaki ang mata ko at hinawakan ko naman yung panyo na nasa bibig ko (yung kamay nya wala na dun sa panyo). Tiningnan ko yung panyo at laking gulat ko na basa. Shet! Wag naman sana na... na.. TUMULO LAWAY KO!
Shocks! Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Ito na yung kinakatakutan ko eh! Bakit tumulo laway ko!? Bakit!? Shocks! Nakita nya na tumulo laway ko? Patay! Nakakahiya! Ang gusto ko na lang gawin ngayon tumakbo sa kinauupuan ko o di kaya lamunin na ako ng lupa. Kahit ano sa dalawa basta makaalis sa kahihiyaan na ginawa ko.
Tumingin ako sa baba at nakatingin lang ako dun. Ayoko ng tumingin sa kanya. Nahihiya na talaga ako.
Narinig ko naman sya na nag-giggle pero saglit lang. Nahihiya na talaga ako. Promise. Hindi ko na alam gagawin ko. Bakit di pa bumubuka yung lupa? Gusto ko na magpalamon.
Hanggang ngayon nakatingin pa din ako sa ginagawa ko. Kailan ba to aalis ah? Ba't ba sya nandito? Anong trip nya? Nahihiya na talaga ako.
May nakita ako sa harap ko na.. pencil? Antrip nitong lalake na to? Inangat ko kagad yung ulo ko para ma-tingnan sya at I swear sana hindi ko na pala ginawa yun. Our eyes just met. Bago pa tumulo laway ko umiwas na kagad ako ng tingin. Ayoko na. Isang kahihiyan lang ang kaya ko sa isang araw. Ayoko na ng dalawa.
Tumingin ako sa pencil na hawak nya. Hanggang ngayon ganun pa din ang position nya. Yung isang kamay nya nakahawak sa may lamesa habang yung isa naman na kamay nya eh hawak-hawak yung pencil. Ano ba gusto nya ipahiwatig sa pencil na hawak nya? Kakainin ko? Ipangda-drawing ko? Ang gulo nya.
Narinig ko syang nagbuntong-hininga at mas nilapit nya pa yung pencil sa 'kin.
"Is this your's?"
Tiningnan ko sya at tumingin sa pencil hanggang sa tiningnan ko ulit sya at hanggang sa pencil na ako huling tumitig. Kinuha ko yung pencil at tiningnan ko ito ng maigi.

BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Novela JuvenilLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."