Miyuki's POV
Tuluyan na nga akong iniwan ni Mr. P. Hahanapin ko na nga lang si Sandy para matapos na to. Ayoko ng issue eh. Di na rin kasi ako mapakali kung bakit iniirapan ako ni Sandy.
Hindi naman kasi talaga ako nagkakamali. Sureballs talaga ako na ako yung inirapan nya. Kaso bakit? Wala naman akong ginawa ha.
Nagtanong-tanong ako para makapunta sa Interact Bldg. Ang laki at ang lawak kasi ng school. Hindi ko naman kabisado to. Buti may mga mababait na tao dito. Napapanood ko kasi sa mga teleserye yung mga ganitong cliche na story.
Dahil sa adik si My sa kakapanood sa tv. Minsan nakikinood ako kay My.
Yung mahirap na babae mag-aaral sa elite na school tapos lahat ng tao inaaway sya kasi mahirap lang sya. Yung mga ganun. Pero buti na lang dito iba. Halo-halo. May mga nang-aaway, may mga mababait naman at may mga walang pakelam sa mundo.
Pagkatapos ng ilang lakad at ilang paghahanap ay sa wakas nakita ko na rin si Sandy. Nasa labas kasi sila ngayon ng Interact Bldg. Nasa bench sila.
"Sandy!" Di lumigon si Sandy.
"Sandy!" Di pa rin sya lumilingon.Nakakasigurado naman ako na narinig nya yun eh. Sa lakas ba naman ng sigaw ko.
Lumapit na ako sa kanila. Mamaya kasi di talaga nya narinig eh.
"Sandy!" Ngayon sureballs na ako na maririnig na nya ito kasi ilang meters na lang ako sa kanya. Pero what the heck! Di pa rin sya lumingon.
Lumingon lahat nung kasama nya. Bakit sila narinig tapos yung tinawag ko mismo hindi man lang lumingon? May tutuli ba tong si Sandy?
"Uhmmm.... Sandy tawag ka oh." Sabay turo sa akin.
Gusto kong mag-thank you dun sa nagsalita kasi kinalabit nya si Sandy. Ngayon okay na. Ngayon alam ko n---
"Like I care."
Automatic na lumaki ang mata ko. Tama ba narinig ko?
So galit nga talaga sya sa 'kin? Narinig nya yung tawag ko pero dahil sa galit sya sa 'kin binalewala nya lang ako. Patay.
"Ha? Hingal na hingal oh." Buti pa yung kasama nya naawa sa 'kin.
Hingal na hingal naman kasi talaga ako eh. Tumakbo ba naman ako sino hindi hihingalin dun?
Sandy's POV
"Ha? Hingal na hingal oh." Sabi ni Anne na V-President sa Interact.
I secretly look to Miyuki dahil nasa likod ko sya. Yun bang yung mata ko lang ang gumalaw.
"It's not my fault. Pwede bang mag-focus na tayo sa project natin?" Tinarayan ko na sila. Buti naman tumango sila at sumunod na sa inutos ko.
Nag-focus na ako sa laptop ko at sa gagawin namin para sa b-day ng may-ari ng Xaverville.
"S-sandy." May naramdaman akong kamay sa kanang balikat ko.
I'll act as calm as possible. Nagpipigil ako ngayon. Ayokong lumabas ang pagtataray ko dahil once na sinimulan ko ang pagtataray ko hindi na 'to titigil.
Inhale. Exhale. Ito lang ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko huminga ng malalim. Ayokong sumabog dito.
"Pwede ba may ginagawa kami? Can't you see?" Hindi ako nakatingin sa kanya. Nakahawak pa rin ang kamay nya sa balikat ko.
Sobrang pigil na talaga ang ginagawa ko ngayon. Though alam ko na sa sarili ko na nagiging mataray na ako and the way I look at act nagpipigil na talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."