Chapter 22 (Last day)

38 1 0
                                    

Sandy's POV

-DAY 7: Oplan Make him fall inlove to me-    

"Manong, malayo pa ba?" Pang-ilang tanong na ata ako nagtatanong sa kanya pero parehas lang naman ang sagot nya.

"Miss, traffic talaga. Pasensya na po."


Napasandal na lang ako sa upuan ko. Kung nasa bahay lang kasi sana ako kanina pa sana ako na nasa Starbucks.


Nakakainis naman kasi eh. Kung bakit kasi wrong timing pa si Dad kung magyaya ito tuloy ang nangyari. Wag naman sana ako ma-late sa usapan namin ni Oya kasi God knows kung anong magagawa ko.


He gave me another chance to prove to him that I'm worthy.


Hindi ko dala ang car ko ngayon kaya naka-cab lang ako. Unfortunately, medyo traffic dito. Kanina pa nga to.


Tumingin ako sa phone ko at wala pa namang missed call or text. Kaso 7:24 am na. Ang usapan namin ni Oya ay 8am sharp. Once na ma-late ako kahit 1 minute lang aalis na sya sa meeting place.


Ugh! Fudge!


Should I text him na male-late ako? Nuh! Hindi pwede. Baka mas mainis yun at hindi na ako kausapin. Binigyan na nga nya ako ng chance tapos ako pa ang magsisira nun.


"Manong, wala po bang shortcut? Urgent lang kasi talaga." I beg. Kahit magkano babayaran ko sya basta makaabot lang ako sa time.

"Pasensya na miss. Nasa gitna tayo ng kalsada kaya hindi ako makakatakbo unless na umandar na tong mga sasakyan na nasa harapan."


I pout at tumingin na lang sa bintana. May 30 mins. pa naman ako at we never know baka quarter nasa Starbucks na ako.


Halos magqua-quarter na ng umandar ang sasakyan. Sa ngayon wala ng traffic sa dinadaanan namin.


Hindi ko maiwasang hindi kabahan ngayon ng sobra-sobra. Though na malapit na ako sa meeting place, malapit na rin mag-8!


Kita ko na ang Starbucks at hininto na ni manong driver ang sasakyan. Binigay ko kaagad ang bayad ko at bumaba na.


Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili bago pumasok. Pero laking gulat ko ng makita ko si Oya na papalabas na ng Starbucks.


Tumingin sya sa kin na nagulat din ang mukha pero naging blank ulit ang expression.


Tumingin ako sa phone ko at 8:01am na pala. 1 minute late.


"You're just right in time. Paalis na sana ako." Sabi nito na ikinabigla ko. Nasa harapan ko na kasi sya.

"S-sorry. Traffic lang."


He said na kapag na late ako aalis sya so kapag hindi pa pala umandar ang sasakyan at hanggang ngayon traffic pa rin ay talagang aalis sya kahit 1 minute. Hindi man lang nya ako hihintayin kahit 30 minutes man lang.

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon