Miyuki's POV
*sighs*
*sighs*
*sighs*
Nakakakailang buntong hininga na ako dito. Di ko na alam ang gagawin ko. Papaano ba ito?
I sighed again.
Bakit kasi ang hirap maghanap ng trabaho? Kahit yung mga pang-part time job lang. Ang hirap talaga maghanap ng pera. Ang tagal-tagal ko ng naghahanap dito sa google at sa mga job website pero wala pa rin akong nahahanap na part time job na qualified ako.
Gets, ko naman na need nila mostly ay yung nakatapos na at yung mga full time. Intinding-intindi ko yun. Kailangan bago matapos ang buwan na to (since unang linggo pa lang naman) meron na akong mahanap na part time job.
Since nakaka-isang oras na ako dito sa computer kailangan ko na umalis. Masyado ko ng kinacareer ito. Kailangan ko pa pumunta ng Art Bldg. para matapos na namin ni Mr. P ang sculpture. Medyo malapit-lapit na rin itong matapos, konting push na lang.
Buti na lang talaga at napaka-talented ni Mr. P. Kung tutuusin dapat sya ang i-acknowledge dito since mostly yung mga ideas ay sa kanya, kung meron man akong inambag kakapurangot lang, unlike sa kanya.
"Ms. Sungit!" Oh shoot! Familiar yung boses na yun. Okay Miyuki, hinga. Wag kang lumingon. Kunwari hindi mo narinig yun. Kunwari wala kang narinig.
Dere-derecho lang ako maglakad. Alam ko kasi na once na lumingon ako baka ano na namang weird ang gawin sa kin ni Ostrich.
"Ms. Sungit! Ms. Sungit!" Nako sinunod-sunod pa yung tawag sa kin. Lakad lang Miyuki. Lakad lang.
Bigla na lang may humawak sa braso ko na ikinabigla ko.
Sa sobrang katangahan ko o pagkalimot siguro. Naalala ko pala na ostrich nga pala ang paglalakad nito. Nonsense din pala ang paglalakad ko ng derecho, naabutan lang din pala nya ako.
"A-alvin." Utal kong sabi.
"Bingi ka ba talaga Ms. Sungit? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, di mo man lang ako nilingon." And then he pout. Ay ano ba yan sya! Bakit sya nag-ganyan?!
"A-ah eh. Sorry naman." Sabay kamot sa bandang batok. "Bakit pala?" Since nandito na rin naman sya, might as well tanungin ko na rin bakit nya ako tinatawag.
"Busy ka ba? Nagugutom kasi ako."
Ang sarap mag-face palm sa kanya. Akala ko naman kung ano ng problema nya.
"Sorry Alvin may gagawin pa kasi ako. May kailangan pa kaming tapusin ni Russel." Explain ko sa kanya.
"Sige na Miyuki. Nagugutom lang talaga ako." Pagpipilit nito sa kin.
Teka wala na ba ibang kilala tong si Ostrich? Pagdating talaga sa lamon kailangan ako? Okay sana kung wala akong ginagawa kaso wrong timing talaga sya.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."