Start na ngayon ng work ko. Nakapagpalit na ko ng uniform.
Ang uniform namin ay color gray na short sleeve, yung detailed such as sleeve, collar at banda sa butones (tago ang butones, yung unahan lang ang kita na butones) ay color black naman. Parehas na may color black na half apron ang male and female, may detailed na color gray sa pocket ng apron. For female, may black ribbon na kasama sa short sleeve, may color gray na ribbon para sa apron at black na skirt na hanggang knee. For male naman ay black long pants lang.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Need pa pala itali ang buhok.
Tiningnan ko ang sarili ko sa mirror. Shocks! Kinakabahan ako. Ito na talaga, magsisimula na akong magtrabaho. My gad!
Pinakilala na muna ako sa mga katrabaho ko dito, inikot din ako dito sa shop. Bale may 3 tao na nakaduty sa kitchen, may 2 tao naman na barista, 1 cashier at 3 waiter/waitress, all in all 11 kaming lahat including guard and si Miss Jella.
9 am ang open ng shop hanggang 10 pm.
For now waitress ang area ko. Tinuturuan ako ng isa kong kasama dito kung paano ang trabaho dito.
Naturuan naman nya ako kung paano yung work ko. Need ko lang imemorize yung menu namin, kailangan din may alam ako sa mga ingredients nun, yung mga pwesto ng table at kung anong number ito, kailangan may presence of mind and dapat mabilis ang kilos mo.
Medyo mahirap since hindi naman talaga to forte ko pero kaya yan! Lahat ng bagay napag-aaralan.
Since 9 pa naman ang bukas at 7:45 pa lang nandito ako ngayon sa table, minemorize ang menu namin. Hindi naman masyadong mahirap since common lang din naman yung mga menu nila sa ibang coffee shop.
"So kaano-ano mo si Sir Russel? First time kasi nyang may babaeng dinala dito." Nabigla na lang ako ng may nagsalita sa tabi ko. Liningon ko ito at yung isa ko pa lang kasama.
"Ah, schoolmate. Magkasama din kami sa isang club."
"Hindi ka nya girlfriend?" Nabigla ako sa tanong nya na ikina-ubo ko kahit wala naman akong kinakain.
"H-hindi ko sya syota."
"Defensive much. Well if you say so." Saad nya habang nagkibit-balikat. Umalis na rin sya pagkatapos.
Pinagpatuloy ko lang yung ginawa ko at umiling-iling na lang.