Miyuki's POV
Shiz! Hala ka diha! Sistisima Trinidad!
Napabuntong-hininga na lang ako at napa-oo kay Ma'am. No choice na rin naman ako. Kasalanan ko naman talaga. Sino ba kasing matinong tao ang matutulog sa klase? My gad!
Detention talaga? Para lang ako nasa high school nito.
"I hope you learn your lesson Miss Henderson. Next time pa na mangyari yan, hindi na kita papapasukin sa klase ko." Sabi ni Ma'am.
"Yes Ma'am. Sorry po talaga."Naglalakad na kami sa hindi ko alam kung saan. Basta sabi ni Ma'am sundan lang daw sya.
Ngumiti sya sa kin at binuksan ang pinto na nasa harapan nya at pumunta sa gilid. Bale ako tuloy yung nasa harapan nang room na to.
Ano to? Andito na ba kami? Ito na ba yung detention room na sinasabi nila?
Napatingin ako sign sa pinto dito at sinagot na nga mismo ang tanong ko. Detention room nga to.
Pinapasok na ako ni Ma'am. Nung una parang ayoko pa. Eh sino ba naman ang gusto ma-detention ah? Wala naman eh. Pero wala akong nagawa kung hindi pumasok na dito sa hell-tention room!
Yung hell-tention room simple lang sya. Para syang classroom kaso ang pinagkaiba medyo malaki to. Mga dalawang classroom ang laki nito.
Nabigla ako ng may nakita akong pamilya na tao na nakasandal ngayon sa may white board habang yung paa nya nakatapak dun.
It can't be.
"Oh! Why are you here Mr. Oya?" Natatakang tanong ni Ma'am.
Hindi nagsalita si Kishida bagkos nakatitig lang sya sa min. Ooooo-kkkkaaayyy. Para kaming hangin dito. Hindi nya kami pinapansin.
My gad! May attitude talaga.
Hanggang ngayon may bandage pa rin ang ilong nya. At after ng incident na yun ngayon ko na lang ulit sya nakita ng matagal. Mukha syang ewan sa ilong nyang may bandage.
"Okay, since nandito na rin naman ikaw Mr. Oya both of you and Miss Henderson ay may gagawin, you see that *sabay turo sa mga bote* gusto ko na pinturahan, ayusin nyo ang mga bote, recycle ba. Gawin nyo yung pagka-artistic at imagination nyo, especially you Henderson *sabay tingin sa akin* nalaman ko sa background mo na gusto mo ang arts so by this mae-express mo yung gusto mo. Understand Kishida and Henderson?" Nakangiting sabi sa amin ni Ma'am. Ano pa ba magagawa ko wala na diba?
Tiningnan ko yung mga bote at medyo madami. Tumango lang ako as response. Di naman ako pwedeng hindi humindi.
"You gotta be kidding me?" Bastos na tanong ni Unggoy. Sa tingin nya nagbibiro si Ma'am? Sumunod na lang sya para wala ng gulo.
"Nope. Seryoso ako. Mamayang 12 babalik ako para makita yung mga nagawa nyo." 12? Eh anong oras na ba?Tumingin ako sa wall clock dito at nakita ko 8 pa lang. May 4 hours pa.
Naglakad na si Ma'am paalis. Okay lang sa kin na pinturahan yung mga bote at gumawa ng mga designs pero ang dami kaya nito. Feel ko naman na tong si Kishida hindi gagawa asta pa lang nya oh.
"I almost forgot kapag di kayo gumawa or di man lang nakalahati yan may punishment kayo." Saad ni Ma'am.
"Ma'am wait lang po. Ang dami nito hindi kaya ang apat na oras." Hindi ko na natiis kasi alam ko talaga na di namin matatapos to ng apat na oras lang. Sa pagtutuyo pa lang ng pintura, medyo matagal na yun.Eh itong Unggoy na to, feel ko di tutulong. Naka-ubob na sa lamesa.
"It's not my problem anymore Henderson. Pagdating sa mga ganito seryoso ako, gusto ko na magkaroon ng discipline ang mga students ko. I gotta go. Bye. See you later." Ma'am lesson learned na po! Promise! Honesto!
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."