Chapter 12.7: (First Love)

58 1 0
                                    

Continuation...

Miyuki's POV

"You're here! Sandy are you okay?" Bungad sa amin ni Ostrich.

Inikot ko ang paligid dito sa sala at no sign of Unggoy. So umuwi na pala talaga sya. Great, sya rin ang may kasalanan kay Sandy tapos uuwian nya lang. Great lang talaga.

"I need to rest." Sabi ni Sandy.
"Hindi ka ba uuwi?" Kunot-noo kong tingin sa kanya. Hndi naman sa ayaw ko sya dito sa bahay pero kasi mamaya pagalitan sya sa kanila kapag hindi umuwi. Mamaya ako pa may kasalanan.
"No. I smell alcohol papagalitan ako ni mommy kapag nakita nya kong ganito." Tumango na lang ako. Buti pa sya pwedeng mag-overnight. Inggit much,
"Ah ganun ba. Eh kayong dalawa may balak ba kayong umuwi?" Turo ko sa kanila. Feel at home tong si Ostrich at feel ko ubos na rin ang lahat ng mga pagkain sa kusina. Ang daming kalat sa sala na balat eh.
"It's the middle of the night. Tulog na mga tao sa 'min." Sabi ni Ostrich. Teka, ibig sabihin lahat sila matutulog ngayon dito sa bahay?
"So lahat kayo matutulog dito?"
"Yes" Kaagad na sabi ni Ostrich sabay tango-tango.
"Is that okay?" Tanong ni Mr. P. May magagawa pa ba ako? Pero sa bagay gabi na rin talaga at baka mapahamak pa sila.

Tumango lang ako sa kanya at pinahintay muna sila dito sa sala dahil aayusin ko pa ang kwarto na tutulugan nila. Umakyat na ako at pumasok muna sa kwarto ko, laking gulat ko ng makita si Unggoy na nasa kwarto ko at ang matindi pa ay naka-higa sa kama.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Turo ko sa kanya. Gulat naman akong tiningnan ni Unggoy.

Akala ko ba umuwi na sya? Bakit sya nandito? Huwag nyang sabihin matutulog sya dito? At wag nyang sabihin sa kwarto ko sya matutulog?!!!!!

"Matutulog. Di ako uuwi." Nabigla ako sa sinabi nya.
"T-tumayo ka nga dyan! Dun ka sa kwarto nila My at wag sa kwarto ko. Mahiya ka nga." Bakit ba ako nauutal ha?

Ako ang nahihiya sa kanya eh. Ang kapal ng mukha nya para dito sa kwarto ko talaga matulog.

"Ayoko nga mas komportable ako dito." Umayos na sya ng pwesto. Kinuha nya ang kumot at nilagay ito sa katawan nya.

I rolled my eyes to him. Kapal talaga ng muha.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, hindi mo ba alam na kwarto ko to?" Lumapit ako sa kanya at pinagpapalo ng unan. "Umalis ka na dyan! Unggoy ka talaga."
"Anong unggoy! Ang gwapo ko namang Unggoy." Inalis nya ang kumot sa ulo nya. Inirapan ko lang sya.
"Umalis ka na kasi dyan, inaantok na ako." Sabi ko. Tinigil ko na ang paghahampas sa kanya.
"Oh, tabi ka sa akin." Sabi nya at pinagpag pa ang kama na may space pang onti. Maliit lang naman kasi ang kama ko.

Nabigla ako sinabi nya at sa tingin ko namula ako. Sa tingin ko talaga.

"A-ano ba!" Pinagpapalo ko na naman sya ng unan. Ang kulit nya talaga.
"Hahaha! Joke lang, oo na." Dahil sa sinabi nya tumigil na ako sa paghahampas. Umupo naman sya. "Ayaw mo talaga?" Sinamaan ko sya ng tingin at tumawa na naman sya. "Oo, joke lang. Di mabiro."
"Ewan ko sayo. Epal." Sinamaan ko sya ng tingin dahil tumatawa pa rin hanggang ngayon. Tumayo na sya.

Sinamahan ko sya sa kwarto nila My na katapat lang naman ng kwarto ko. Binuksan ko na ang kwarto at ino-pen ang ilaw, pumasok na rin kami.

"Malinis naman yung kama kakapalit lang nung umalis si My kaya wala pang nahiga dyan well maliban na sa inyo." Tingin ko sa kanya.
"Anong sa inyo huh?" Kunot-noo nyang tanong.
"Dyan kayong tatlo nila Alvin at Russel, alangan naman sa kwarto ko? At alangan naman sa sala? Diba? Malaki at mahaba naman eh kasya na kayo dyan." Turo ko sa kama. Nakita ko naman yung naiwan kong damit kanina at kaagad na kinuha ito. "Sige, bababa na muna ako, maiwan muna kita dyan. Paakyatin ko na rin sila rito."
"May extra tootbrush ka ba?" Napataas naman ako ng kilay, buti na lang at may mga extra kaming toothbrush dito. Mahilig kasi si My sa mga ganyan. Mga mag-stock ng kung ano-ano.
"Wait lang."

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon