Chapter 10: (Sorry)

103 2 0
                                    

Miyuki's POV

Second day na ng Club Week at ngayon na din ang day na kung saan magau-audition ako sa Arts Club. Medyo kinakabahan pa kasi di ko alam kung anong gagawin ko. Walang inspiration eh.

"Miyuki!" Napatalon bigla ako sa gulat. Kung makatawag kasi sa akin wagas. Lumingon ako sa tumawag sa kin.
"...Tawag ka ni Sir Dela Cruz" Kumunot naman noo ko. Bakit kaya? May ginawa ba akong kasalanan?
"Ha? Bakit daw?"
"Ewan ko basta sabi nya pumunta ka daw sa may ground." Kibit-balikat nyang sabi sa 'kin. Tumango na lang ako sa kanya at nagpasalamat.

Gaya nga ng sinabi ni ate Di ko alam name nya. Pumunta na nga ako sa may ground.

Medyo mahapdi pa din yung sugat. Pero hindi na gaano ka hapdi, konti na lang. Gaya kahapon maraming tao dito sa ground pero hindi ko inaasahan na mas marami pala ngayon ang tao na nandito. Bakit kasi dito pa sa ground? Makikipagsiksikan tuloy ako. Narinig ko na may mga tumitili bandang gitna. Ano kayang meron? May artista?

** SORRY NA

          by: Parokya ni Edgar

Biglang may tumunog na familiar ang music. Uh isa yun sa kanta ng Parokya ni Edgar! Nandito sila Chito?

Pagkatugtog kasi ng kanta biglang lahat ng tao na nasa harapan ko ay biglang gumilid at ako lang ang natira sa gitna, kahit sa likod ko gumilid din. Wait? May mangyayari ba? Hala! Dapat gumilid din ako. Gigilid na sana ako ng nakita ko kung sino ang nasa gitna. Sya. Kaya pala tumitili kasi nandyan sya.

Biglang lumaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw, para bang ang mga paa ko naka-glue na sa semento.

Nakita ko na may pitong lalake na nasa likod nya na may hawak-hawak na papel na ang nakasulat ay 'HENDERSON SORRY NA!'. Kasama sa mga pitong lalake si Ostrich.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng nagsimula na syang kumanta. May nararamdaman ako sa tyan ko, hindi yun gutom. Ito na ba yung sinasabi nila na butterflies in stomach? Syet! Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, ano ba naman ang nararamdaman ko? Mali to.

Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mga tao. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kin. Yung iba kinikilig yung iba nakataas yung kilay, alam ko na ibig sabihin nun.

"♪♪ Sorry na kung nagalit ka,
di naman sinasadya.
Kung may nasabi man ako.
Init lang ng ulo pipilitin kong magbago,
pangako sa iyo. ♪♪"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong ginagawa nya ha? Napa-praning ako. Kailangan pa ako ni Sir!

Pero di ko maiwasang humanga sa kanya. Syet! Ang ganda ng boses ni Kishida. Lalo syang guma-gwapo kapag na kanta sya kasi yung buhok nya hinahangin. Putik! Mapapatawad ko to ng wala sa oras eh. Aish! Ano ba tong pinagsasabi ko!

"♪♪ Sorry na nakikinig ka ba?
Malamang sawa ka na.
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto. ♪♪"

Naka-tingin talaga sya sa 'kin, either sa 'kin or sa gitara nya lang sya tumitingin. Sa totoo talaga gusto kong tumalon sa tuwa kasi ganito yung ginagawa nya. Pero hindi ko alam kung bakit mas nanaig yung tuwa, kilig kesa galit at inis ko sa kanya. Dapat naiinis na ako ngayon kasi sa ginagawa nya pero hindi ko alam kung bakit mas natutuwa at kinikilig pa ko.

Babae pa rin ako, syempre kapag sinabi kong hindi ako kinikilig parang niloloko ko lang ang sarili ko. Oo, kinikilig ako. Sobra. Isama mo pa na parang bumabaliktad ang sikmura ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. I bite my lower lip. Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Kishida kumakanta sa harapan ko? Sa maraming tao? Para lang sabihin na nagsisisi na sya sa ginawa nya? Ano ba naman tong ginagawa nya? Is this his another side? Syet!

The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon