Sandy's POV
-DAY 6: Oplan Make him fall inlove to me-
Hindi na ako nakabalik kahapon sa may pot room kasi may urgent lang ako kailangang gawin. Syempre ako magmamana ng business namin so kapag kailangan ako dapat pumunta kagad ako di dapat ako humindi.
Nakalimutan ko na ring itext si Oya. As much as ayoko pumunta sa office wala naman akong magagawa kasi kailangan ako dun. Ang wish ko na lang sana di sila nagkaroon ng quality time.
Day 6 na pala, 1 day na lang at malalaman ko na ang resulta sa mission ko. Actually 50-50 na ko sa magiging result. I know na may chance na magiging kame pa ulit pero mas malaki ang chance na hindi na ulit magiging kame. Lalong-lalo na na isang araw na lang ang natitira.
Pero hindi ako masisi umaasa pa rin kasi talaga ako na magiging kame pa and I believe na by the end of this week magiging okay ang resulta ko.
Hindi ko nga lang alam kung pano ako mag-momove ngayon. I really have no idea kung ano na gagawin ko. Konting araw na lang ang lumilipas.
The next thing I know is tumutulo na pala ang mga luha ko. Si Oya lang talaga ang nagpapaiyak sa kin at para sa kanya lang talaga ang mga luha ko. Napaka corny man pero ayun talaga ang totoo.
"Hindi mo dapat iniiyakan ang mga katulad nya." Nabigla ako sa narinig ko.
Ha? Tumingin ako sa nagsalita. Sino sya? I've never see him in my entire life.
I wiped my tears gamit ang panyo na inalok nya.
"Pardon me?"
"Ow. Sorry. Ahmm, I'm Justin Quintos, 3rd year taking Business Management major in Applied Market Research. You don't know me kasi hindi naman ako popular unlike you sobrang popular ka dito sa school." Sabay ngiti nya.
Hindi ko talaga sya kilala baka nakikita ko sya, pero hindi ko talaga sya kilala.
Hindi naman kasi ako friendly. Frankly to say konti lang talaga ang mga kilala. Ayoko kasi makipag-plastikan sa iba.
Nakatingin lang sya sa kin, hinihintay yung response ko. Magre-response nga ba ako? Hindi ko naman sya kilala. At remember hindi ako basta basta nagta-trust sa isang tao lalong lalo na kapag ngayon ko lang nakita.
Narinig ko syang nag-buntong hininga.
"Wag ka na umiyak sa kanya, lalo ka lang nagiging desperada. Hindi dapat ako nangengelam sayo lalo na di naman tayo close pero ayoko nang masaktan ka Sandy. Naiinis ako kapag umiiyak ka lalo na kung ang dahilan mo ay hindi pag-balik sayo nang feelings ng isang tao."
Nakatingin lang sya sa kin. Alam kong serious sya dahil sa mga mata nya. Malalaman mo kasi na seryoso ang sinasabi nila kapag tumingin ka sa mga mata nila.
Nagco-confess ba sya? Ang gulo naman. Bakit ngayon pa nya yan ginawa? Magulo pa ang isip ko ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya, hinihintay ang sunod na sasabihin nya.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Teen FictionLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."