Miyuki's POV
"Hoy Henderson!" Ang kulit nitong unggoy na to. Deretso pa rin ako sa paglalakad bahala sya. Gusto ko na umuwi. Gusto ko na magpahinga.
May naramdaman akong humawak sa braso ko. Pag-lingon ko akala ko kung sino yung humawak sa kamay ko pero nagkamali ako ang humawak sa kamay ko ay wala ng iba kung hindi si unggoy. Kumunot-noo ko sa kanya.
"Bakit ba ha!?" Sigaw ko sa kanya. Inalis ko yung kamay nya sa braso ko. Grabe kasi kung makahawak sa 'kin ang sakit. Ang tigas ng kamay eh.
"Uuwi ka na? Hatid na kita." Lumaki mata ko sa sinabi nya.
Ano bang sinasabi nya? Anong ihahatid? Shunga ba to? Baliw na ata.
Hinipo ko yung noo nya baka may lagnat.
"What are you doing?" Sabi nya pagkatapos kong hipuin yung noo nya.
"May lagnat ka ba?" Sabi ko sa kanya. Weird lang kasi na sabihan nya ako na ihahatid nya ako. Weird lang talaga, right?
"Tss. No I'm not. So hatid na kita?" Lalong kumunot-noo ko sa kanya. Umiling ako at tinalikuran ko na sya. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.
Hindi ko naman naramdaman na sumusunod sya sa 'kin kaya napanatag na ako. Naglakad na ako ng maayos. Biglang may humintong kotse sa harap ko kaya napatigil ako. Napatalon pa nga ako sa gulat. Biglang nagbukas ang bintana ng driver seat at laking gulat ko kung sino ang bumungad sa 'kin.
Kumunot-noo ko ng nakita ko kung sino ang nasa loob ng kotse.
"Hatid na kita. Masasayang ATP mo." ATP? Ano yun? Nakakain ba yun? Kumunot lalo ang noo ko sa sinasabi nyang ATP.
"Ang bobo mo talaga." Sasaktan ko sana sya kaso naalala ko sayang lang sa oras kung sasaktan ko sya. Inirapan ko lang sya at nilagpasan ito. Bahala sya. Saksak nya yang ATP nya.
AKO!? BOBO!? LANGYA KA! ALAM KO KISHIDA NA HINDI AKO MATALINO PERO DI NAMAN AKO BOBO NO! AT WALANG BOBONG TAO! TANDAAN MO YAN!
"Hiyang-hiya ako sayo ha!? Talino mo ha!? Kasalanan ko bang di ko alam yang ATP na yan ha!?" Sabi ko habang naglalakad ako. Hindi pa naman ako malayo sa kanya kaya maririnig nya yung sigaw ko.
Narinig ko biglang nagbukas yung pinto ng driver seat.
"Tsk. ATP stands for Adenosine Triphosphate. This coupling of energy-requiring and energy-releasing reactions is made possible through the molecule of ATP. ATP stores energy derived from catabolic reactions and releases it later to drive anabolic reactions and perform other cellular work."
*Jaw dropped* Habang sinasabi nya yun ako ito nakanganga at biglang napatigil sa paglalakad. Para syang prof. na ewan. Ang talino naman nito! Memorize nya yun? Grabe. Nahilo ata utak ko eh.
"Isarado mo yang bibig mo tulo laway." Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na sya. Agad-agad? Di ko man lang napansin o narinig na naglakad sya.
Umiling-iling ako at sinarado ko na yung bibig ko tapos hinawakan ko yung bibig ko medyo may laway nga. Konti nga lang. Kadiri. Putik. Ano bang pinagsasabi ko.
"Hindi mo naintindihan no?.." Umiling lang ako. "... Ba't ba kasi ang hina ng utak mo? Kainis." Sabay irap.
Aba'y! Ang sakit ng sinabi nya ah! Akala nya nakakatuwa yun!? Eh di sya na matalino. Saksak nya sa baga nya.
"A-ako? Mahina utak? Langya ka ha! Di ko lang talaga alam yang pinagsasabi mo. Ano ba yun ha!? ATP!? Ano yun? Adesochever!? Putek! Di ko nga maalala eh." Para akong nagta-tantrums sa ginagawa ko. Hindi ko naman kasi talaga maintindihan yang ATP na yan. Kinakain ba yan? Magiging mayaman ba ako kapag nalaman ko yun? Wala bang simpleng word man lang dyan para sa ATP na yan? Sino ba nag-imbento nyan ah?
"Adenosine Triphosphate! A-de-no-sine-Tri-phos-phate!" Sigaw nya sa 'kin. Mababasag na nga ear drums ko eh. Wala akong pakelam dyan sa ATP nya. Hindi ko naman ikauunlad yan.
"Ay ewan. Wala bang mas simpleng meaning nyan ha!?" Sabi ko sa kanya habang nakapamaywang ako.
"ATP means energy." Aaaaaaahhhhhhh... Ayun naman pala eh. May pa Adenochever pa syang nalalaman. Pwede namang energy na lang eh. Alam kong matalino sya pero wag naman yung ganyan. Wag nyang sabihin na tinuro dito yun? Aba'y matindi!
"Ayun naman pala eh! Para kang dictionary, like when the dictionary explains a word with an ever harder word. Ang hirap kaya nun, okay pang mag-search sa google eh." Sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko. Umirap na lang ako sa kanya at tinalikuran ko na sya. Nagsimula na akong iwanan ulit sya. Bahala sya sa buhay nya. Ilang street na lang at makakarating na ako sa bahay kaya no need na ihatid nya pa ako.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
أدب المراهقينLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."
