Narrator's POV
- DAY 3: Oplan Make him fall inlove to me -
Magkasama sina Sandy at Oya ngayon napagdesisyon kasi nila na ngayon na gumawa ng idea para sa project nila dahil next week ay magiging busy na si Sandy dahil sa club nya.
Papunta sila ng gym. Mag papaalam lang si Oya at pagkatapos ay dederetso na sila ng bahay ni Sandy.
Samantala..
"Miyuki uuwi ka na ba?" Tanong ni John.
"Hindi pa eh pupunta pa ko ng Art Club may project din kase kame dun."
"Ah ganun ba eh di sabay na tayo maglakad." Tumango lang siya.
Magkasama si Miyuki at John ngayon. Nakita lang kasi ni John si Miyuki na naglalakad sa corridor. Hindi na nag-dalawang-isip pa si John at sumabay na kay Miyuki na maglakad. Chance nya na rin to no.
Malapit na sila sa building ng mapadaan sila sa gym they decided na silipin ang gym. Nakita nila na nagpa-practice ang mga basketball players. Sa bagay malapit na din ang laban nila kailangan nila mag-practice.
Sa hindi kadahilanan may hinahanap ang mata nya, may gustong makita ang mata nya. Tumingin-tingin sya sa mga nag-papractice. Hindi nya alam kung ano ba gustong makita ng mga mata nya.
Bago pa sya mabaliw ay hinigit na nya si John at lumabas na ng gym. Sa paglalakad nila nakita naman nya sina Oya at Sandy.
"Oy guys nandito pala kayo." Sabi ni John.
Buti na lang at nagsalita si John dahil hindi nya alam kung anong sasbihin nya sa dalawa. Hindi nya ba alam kung bakit nagiging ganito na lang sya bigla. Para bang may mali.
"Yup. Hi guys." Tanong ni Sandy. Napansin nya na masaya at blooming ngayon si Sandy. Sa bagay naging partner nya si Oya sino ba naman ang hindi sasaya at magbo-blooming. Diba?
"Hi Sandy." Ngiti nito at kumaway lamang sya kay Oya. Awkward nga dahil hindi sya sanay na maghi kay Oya.
Habang si Oya naman ay pumasok na sa gym para magpaalam.
"Eh kayo Sandy ngayon na ba kayo gagawa ah?" Tanong ni Miyuki.
"Yup. Dapat next week talaga kaso busy na ako next week kaya napagdesisyon namin na ngayon na lang. Idea pa lang naman tapos diba dito naman natin gagawin yung paso natin so ayun."
"Ah ganun ba? Buti naman."
"Hoy sad Miyuki, you don't have any partner. You can do it right?"Nag-aalalang tanong ni Sandy.
"Nako oo naman. Kaya yan!" May pa-aja pose pang ganap si Miyuki. Alam naman nya sa sarili na mahirap yung project pero kaya nya yan.
"Nako kailangan natin galingan Oya." Saad ni Sandy, di sumagot si Oya. Nakatingin lang sya kay Miyuki. Napansin naman nya na kanina pa nakatingin sa kanya si Oya kaya nagsalita na sya at nagpaalam para may quality time na ang dalawa. Sabihan pa sya na kontrabida.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Подростковая литератураLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."