NARRATOR'S POV
Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Miyuki sa nangyari. Sino ba naman kasi ang hindi maniniwala sa inasal ni Russel?
Alam nya na si Russel ay tahimik at introvert. Kahit kelan hindi nya naisip na gagawin sa kanya yun ni Russel.
Nasa 4th floor sila ngayon ng bar ni Jolina. Hanggang 5th floor kasi ang bar. 1st and 2nd floor ay para sa taong ayaw mag-solo. Meaning nandun yung dance floor. 3rd floor ay nandun naman yung mga rooms. 4th floor ay VIP rooms. And the 5th floor is rooftop. Karamihan nandun yung mga emo at BH.
Nasa J-VIP room sila. Meaning ng J-VIP ay Jolina's VIP. Meaning si Jolina at ang kanyang guest lang ang pwedeng pumasok dito. Kahit na malaki pa ang bayaran mo hinding-hindi ka pwede pumunta dito.
Malaki ang J-VIP. May bouncer sa labas just in case na may manggulo sa kanila. Mini bar house ang J-VIP, may 2 beds pa. Queen's size.
Ang J-VIP lang ang merong design na mini bar house dahil ang mga rooms na dito kahit VIP ka ay yung ordinary rooms lang. Well except sa VIP queen size ang kama at maganda ang design at ambiance.
Kanya-kanyang upuan sila. Si Alvin and Sandy na nasa counter bar. Mahilig kasi talaga silang uminom. Lalo na si Alvin. Hindi sya basta-basta nalalasing. Sila Jolina at Oya naman ay magkatabi sa mahabang couch. Si Russel naman ay kasama nya sa isang mahabang couch din pero hindi sila masyadong magkatabi. Unlike sa dalawa.
Kanya-kanya na rin sila kuhaan ng wine. Actually tambayan nila 'to kaya alam na nila ang bawat sulok ng room at ng bar.
Hindi sila yung mga tao na sa isang lamesa ay magkakasama sila pagkatapos iisang baso lang gagamitin nila. Para sa kanila kahit na sabihin mo pang reunion hangga't nasa iisang kwarto lang kayo okay na sa kanila. Kahit na magsarilinan sila ng mundo, okay lang basta nasa iisang kwarto lang sila.
Agad naman na nag-sisiinuman sila Sandy at Alvin. Si Oya and Jolina busy sa kwentuhan. Si Russel umiinom..... umiinom ng juice. Remember ayaw nya sa alak or wine? Sya naman ay tinitingnan lang sila.
Binibigyan na nga sya ng wine kaso tumatanggi sya. Hawak-hawak nya lang ang baso na laman ng juice.
Napako ang kanyang tingin kanila Oya at Jolina. Pansin nya na masaya ang dalawa.
Naisip na naman nya tuloy ang usapan nila kanina ng nasa kotse sila.
'Meron pala talaga silang past. Pero diba woman hater si Unggoy? Pero baka pagdating sa kanya exempted sya.' Isip-isip nya.
Medyo naguguluhan pa sya sa pagkatao ni Oya. Kung ano ba talaga ang isang Oya Louis 'Unggoy' J. Kishida. Kung sino ba talaga sya.
"Tutunganga ka na lang ba dyan?" Nabigla sya ng kinausap sya ni Russel. Kumunot-noo naman nya itong tiningnan.
"H-ha?"
Uminom muna si Russel bago nagsalita.
"Tunaw na yung ice." Turo nito. Tumingin naman sya sa baso nya at tunaw na nga ang yelo. Binaba nya sa lamesa ang baso at nagpunas sa tissue.
"Ganito ba talaga kayo?"
Curious kasi talaga sya sa barkadahan nila.
"What do you mean?"
"I mean," she paused "Nevermind." Sabay iling nya.
Hindi nya rin kasi alam kung paano magtanong. Oo curious sya pero hindi naman sila close para malaman ang tungkol sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Love Game (On-going)
Ficção AdolescenteLet's play a game! Would you like to play a game? "Love is a game that two can play and both win."