Chapter 27 (Her reason)

21 0 0
                                    

Miyuki's POV


"Yun." I sighed.

"What?!" Nabigla naman ako sa pagsigaw ni Sandy. Nakakaloka tong babaeng to. Makareact sa kwento ko wagas. Dahil tuloy sa ginawa nya yung ibang tao dito sa cafeteria tumingin sa 'min. Napangiti na nga lang ako sa kanila.

"Yow Miss Sungit and Sandy! What's with all the ruckus?!" Biglang ginulo ni Ostrich yung buhok ko at umupo sa tabi ko. Kasama nya si Mr. P, Unggoy at Jolina?


Teka, ba't sila nandito?


"Why do we need to sit here? May sarili naman tayong pwesto." Saad ni Unggoy. Teka, ngayon ko na lang ulit sya nakita, in fairness ang tagal namin di nagkita.

"Come on Oya, wag ka ng KJ. Ito nga si Russ game eh." Saad ulit ni Ostrich. Energetic talaga sya kahit kelan.

"This will be fun Louis. Ayaw mo nun sama-sama tayong lahat?" Ngiti ni Jolina. Napakaganda talaga nya. Para syang dyosa.


Umupo na sila at nilapag ang pagkain nila. Since no choice si Unggoy kaya umupo na rin sya. Nasa gitna ako ni Ostrich at Mr. P sa kabilang side naman ay si Sandy, Jolina at Unggoy.


Nakakapanibago talaga na hindi na kinakabahan si Sandy kapag nandyan si Unggoy, well awkward kahit papaano pero hindi na yung gumagawa sya ng paraan para mapansin sya nito. Ibig sabihin nagmo-move on na talaga sya. Salamat naman at nagising na sya sa katotohanan.


"Anyway, Sandy why are you shouting?" Tanong ni Jolina.

"Miyuki just told me na muntik na sya manakawan." Then she pouted.

"What?!" Sabay na humarap at tanong ni Jolina at Ostrich.


Oooo-kkkaaay kalma lang kayo.


"Eh muntik lang naman." Saad ko. Muntik lang naman talaga at tsaka akyat bahay naman yun.

"What happened? Tell us." Curious talaga sila?


Tumingin ako sa kanila. Kailangan ko ba talaga sabihin? Kahit si Mr. P napatigil sa pagkain at tumingin din sa 'kin. Si Unggoy naman kain lang ng kain. Walang pakelam sa mundo.


Since no choice ako, might as well ikwento na sa kanila ang nangyari kagabi.





(Flashback)


Ako lang mag-isa sa bahay, late na rin ako nakauwi since pang-closing yung shift ko ngayon. Inaantok na nga ako sobra pero gutom na gutom pa ako. Nag-instant noodles na nga lang ako.


Nag-double check lang ako ulit sa bahay incase na may nakalimutan akong patayin or isara. Nasa labas na ako, titingnan kung na lock na yung gate nang may narinig akong kakaiba, hinanap ko naman kung saan yung narinig ko at laking gulat ko ng may nakita akong lalake na nakasampa sa gate namin.


Napasigaw na lang ako. Tumingin ang lalake sa 'kin at kagaya ko nagulat din.


Sigaw lang ako ng sigaw sa takot. First time ko lang maka-experience ng ganito. Nakakatakot pala.


Nagulat na lang ako ng nasa loob na ang lalake, papunta na sa akin. Tatakbo na sana ako ng laking tuwa ko na may biglang pumito at may mga tanod na pumunta sa bahay ko.


Pero may hindi ako inaasahan, akala ko mahuhuli yung kamuntikan na magnakaw sa bahay pero imbes na mahuli nakatakas pa ito. Bigla na lang hinabol ng mga tanod ang nakatakas na magnanakaw at yung ibang tanod naman ay pina-alalahan akong isara ang gate ng maigi at ang pinto.


The Love Game (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon