Ace Crimson Night Griffin
Ang sabi ni Myob ay ang iniinom nya na ngayon ay dugo ng tao dahil wala na syang Tomato Juice.
Nag aalala ako para sa kanya. Baka hindi nya mapigilan ang sarili nya at pati kami ay mapatay nya.
Dinadalhan sya lagi nila Eli ng dugo ng tao kapag may napapatay sila na tao at tinatanggap naman iyon ni Myob ko.
Acee mate! Bati sa akin ni Brent habang nag lalakad ako dito sa hallway at inakbayan pa ako.
Mate! May nail cutter ka ba? Tanong nya sa akin at napa iling ako dahil hindi naman ako nag gugupit ng kuko.
Wala, hindi ako nag gugupit ng kuko. Sagot ko sa kanya at narinig ko naman ang mahinang pag singhal nya.
Don't be a drongo, mate! Singhal nito at binatukan ko sya.
That's my line! You ratbag! Singhal ko sa kanya at natawa naman sya.
Hindi nga, mate! Wala ka talagang nail cutter? Tanong pa nya sa akin at natatawa akong umiling dahil sa kakulitan nya.
Yeah naahh mate... Sagot ko sa kanya at inalis naman nya ang pagkaka akbay sa akin at napakamot sya sa kanyang ulo.
Simula nung nag 19 years old ako hindi na ako tinubuan ng kuko. Paliwanag ko sa kanya at napatango tango naman sya.
Ang haba na kasi nung sa akin, mate! Nakakasagabal sa pagpatay. Aniya nya sa akin.
Kay Eli! Sa kanya ka manghiram! Kumpleto sa gamit iyon,mate! Usal ko sa kanya at sumigla naman ang itsura nya saka kumaripas ng takbo.
Ta! Hoorrooo! Sigaw nya sa akin at tumango na lang ako.
Malapit na ang Christmas Party at as usual hindi na masyadong nag tuturo ang mga teacher, at ang mga estudyante ay abala sa paghahanap ng kung anong susuotin nila.
Hindi nila alam na sa araw na iyon ay ang magiging kamatayan nila.
Habang naglalakad ako ay may naramdaman ako na malamig na dumapo sa paanan ko, at nang lumingon ako sa paligid ay wala naman akong nakita.
Tago kasi ang hallway na dinadaanan ko kasi ayokong may makasalubong na asungot.
Luminga linga naman ulit ako hanggang sa makita ko ang isang pinto na nakabukas ng bahagya at isa ito sa mga restricted room.
Lumapit ako dito at pagkabukas na pagkabukas ko ay dumapo sa akin ang malamig na hangin at ang amoy nito ay hindi kaaya aya.
May hagdan dito kaya minabuti kong bumaba. Habang bumababa ako ay paliwanag ng paliwanag.
Hanggang sa marating ko ang isang silid kung saan napakaraming bangkay! Napaka laki ng silid na ito! Nasa ground floor kasi ako at sa tingin ko ay nasa underground ito.
Ang daming bangkay dito na nanigas at nag ye yelo na ang iba dahil sa sobrang lamig. Nakaramdam naman ako ng lamig sa katawan at parang nanghihina na ako kaya dahan dahan akong umakyat.
May mga bangkay na nakasabit sa puno... Oo may nag ye yelong puno dito! Para na ngang nag sno - snow dito!
Sa tingin ko ay dito nila inilalagay ang mga patay. Kawawa naman sila.
Hindi pa man din ako nakaka alis dito ng may tumawag sa pangalan ko.
Ace babe?? Tawag nya sa akin at marahan ko naman syang nilingon. Si Myob ko ito.
Naka tanggal ang blazer nya at kita sa kanya na hindi sya nilalamig. Mabilis syang lumapit sa akin at ipinasuot ang blazer nya sa akin na akin namang tinanggap.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...