Chapter 32

1K 14 0
                                    

Heart Denise Caskblade

Pabalik na kami ng classroom at katabi ko itong si Lumi.

Samahan mo nga ako sa Library. Sabi nya sa akin at tiningnan ko naman sya.

Girl may klase tayo! Tugon ko sa kanya at inirapan nya naman ako.

Sige na, please.... Pagmamakaawa nya pa sa akin kaya marahan akong tumango bilang pagsang-ayon.

Sama ako sa inyo, Mates! Sabi naman ni Ace sa likod namin at umiling si Rei Xiu.

'wag na.. Sagot ni Rei Xiu kaya itong si Ace ay inakbayan na lang si Rei Xiu. Hindi pa naman sila, pero ang sweet sweet nila sa isa't isa!

Take care, mate! Rinig kong bulong nya kay Rei Xiu at hindi ko maiwasang hindi mapa irap dahil sa mga ka corny-han ng mga kaibigan ko!

Blimey!

Nang nasa room na kami ay huminto kami ni Rei Xiu sa may pinto at pinahinto rin namin sila Kristine.

Girls pupunta lang kami ni Rei Xiu sa Library. Pagpapa alam ko sa kanila.

Para saan? Tanong ni Kristine sa akin dahil itong si Rei Xiu ay abala sa pakikipag harutan kay Ace. Blimey! Eejit!

Ewan ko sa kanya. Sagot ko kay Kristine at kumunot naman ang noo nito kaya kaagad kong hinatak si Rei Xiu para malayo sya kay Ace.

Blimey!!

Hmmpp! Whatever it is, mag ingat kayo at dalian nyo! Hmmp! Masungit na bilin ni Eli sa amin at hinatak na si David saka pumasok na sa room.

May hahanapin lang ako sa Library. Sagot ni Rei Xiu sa tanong ni Kristine at lumapit naman sa amin si Kristine saka niyakap kami.

Okay! Mag ingat kayo! Bilin nya sa amin at parehas nya kaming hinalikan sa ulo.

Matapos iyon ay tumabi na sya kay Andrew. Ingats dudes! Bilin sa amin ni Andrew at pumasok na rin sila ni Kristine sa loob.

Ganun din sila Nathan. Nang tapos na silang mag bilin sa amin ay umalis na kami.

Habang nag lalakad kami ni Rei Xiu ay maingat ang paglalakad namin dahil baka may makakita sa amin!

Bawal kasi ang gumala kapag class hour, kapag nahuli ay paparusahan.

Girl! Kinakabahan ako! Sabi ko sa kanya at dumikit sa kanya.

'Wag kang kabahan, meron kang ako. Sweet na tugon nya sa akin at inilingkis ko naman ang braso ko sa braso nya na kanyang ikinatawa.

Ano ba kasi ang gagawin natin dun, Girl? Tanong ko sa kanya.

May gusto kasi akong hanapin, mag babakasakali lang ako na may mahanap ako doon. Sagot nya sa akin at marahan naman akong tumango.

Hindi ko alam kung ano ang hahanapin nya roon, pero may tiwala ako sa kanya na walang mangyayaring masama sa amin.

May kalayuan ang library sa classroom namin. Mas pinili namin ni Rei Xiu na dumaan na lang dito sa hallway na nag co - connect sa bawat building.

Although magkakadikit lang ang building namin, may iba kasi na hindi pwedeng daanan kaya lumalabas pa kami ng building.

Kailan mo ba sasagutin yang si Ace? Curious na tanong ko sa kanya dahil muka na talaga silang mag kasintahan.

Hindi ko alam, may problema pa kasi ako na maaaring makasakit sa kanya. Malungkot na sabi nya sa akin at tinanggal ko naman ang pagkakalingkis ng braso ko sa kanya at inakbayan sya.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon