Stacy Bree Sunrise
Lahat kaming nandito sa SSG Room ay nagulat sa dalang balita ni Bella sa amin.
Ipinatawag ko po kayong lahat! Panimula nya at kahit galit na sya ay may galang pa rin sya na nakikipag usap sa amin. Tsk!
Dahil sa litrato ko po na kumakalat..! Nanginginig na sabi nya at ipinakita sa amin ang litrato nya na nakahubad habang naliligo, habang nag bibihis at ang iba pa.
Pero ang kaibahan ay naka blurred ang maselan na parte ng bahagi ng katawan nya.
Ipinakita nya rin ang note na nagbabanta sa kanya na pinababa na sya sa pagiging Presidente.
'wag kang mag alala! Ngayon din ay hahanapin ang nag pakalat niyan! Sabi ko at hinimas himas ang likod nya.
Mag papatawag ako ng meeting, buong grade seven hanggang college papuntahin sa Gymnasium. Utos nya sa amin na agad naming sinunod.
Sya naman ay napa upo sa kanyang upuan sapo - sapo ang ulo nya. Kung sino man sya na gumawa nito kay Bells ay makakakuha ng parusa mula kay Bells.
Kung sino man ang kumalaban sa mga nasa posisyon dito sa SSG ay mabibigyan ng mabigat na parusa.
Bells, don't worry hahanapin namin ang nag pakalat nito. Sabi ko sa kanya at tumango tango na lang sya at ako naman ay umalis na.
Nang makalabas ako ay kitang kita ko agad ang mga nakapaskil na litrato ni Bells sa hallway.
Ang daming trabaho ito! Tsk! Sino ba naman kasi ang gumawa ng ganito?! Tsk.
Panigurado na ang iba ay nakapag tabi na ng larawan ni Bells at kailangan naming halughugin ang mga gamit nila, at dorm nila.
---
Kim Kristine Joy
Papunta ako ngayon sa locker ko at habang nag lalakad ako ay may pinag kakaguluhan sila sa isang gilid ng hallway kaya lumapit ako dito upang maki usisa.
Ang ganda pala ni Bella!
Sino naman kaya ang nag lakas loob na mag pakalat nyan?
Iyan ang mga naririnig ko sa kanila. Hindi ko alam kung anong meron kay Bella.
Nang makita ko kung ano ang pinag kakaguluhan nila ay kaagad akong nagulat at nalungkot para kay Bella.
HEOL?!
Kakikita lang namin kanina dahil nag pasalamat sya sa amin at nag sorry kay Lumi, tapos biglang may ganito.
Hindi na ako tumuloy sa pagpunta sa isa ko pang locker at dali daling bumalik ako sa classroom namin.
P.E kasi namin ngayon at kukunin ko sana ang P.E uniform ko, pero nakita ko ito.
Nang makabalik ako sa classroom namin at nakapameywang akong hinarap ni Mrs. Thomas.
Nasaan ang P.E uniform mo, Ms. Kim? Tanong nito habang nakataas ang kanang kilay.
Sasagot na sana ako ng may biglang nag salita sa likod ko.
Lahat ay umakyat sa Gymnasium at dahil ang bag. Anunsyo nito at tingnan ko kung sino ito ay si Alyana ito.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasíaCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...