Bella Kenny Justine Ravendust
Isang linggo na ang makalipas mag mula nung maganap ang Christmas Party namin at January 7 1996 na ngayon.
Dito na kami ni Nathan nakatira sa bahay nila Rei Xiu at paminsan minsan ay dinadalaw ni Ace si Rei Xiu.
Sila Eli naman ay kagagaling lamang dito kahapon kasama ang mga magulang nya.
Malungkot sya dahil maging sya ay kailangan ding ipaampon ng sarili nyang magulang.
Ommmoo! Si Andrew at si Kristine naman ayun at nagagalit sa mga magulang nila dahil binibiro sila ng kanilang magulang na magpapakasal ang mga ito.
Si Brent Yo? Kasama nya ngayon ang mga magulang nya at nasa Manila sila. Ang balik nila dito ay sa January 15 pa.
Bella? Tawag sa akin ni tita at nang lingunin ko sya ay may dala dala syang tray ng pagkain.
Sa...salamat po! Bati ko sa kanya at ngumiti naman sya.
Walang anuman. Tugon nya sa akin at inilagay sa kama ko ang tray. Maganda naman ang pakikitungo ng mga magulang ni Rei Xiu sa amin.
Itinuring na rin kami ni Rei Xiu na parang mga tunay nyang kapatid. Nga pala iha, ano ang gusto mong gawin sa unibersidad na iyon? Gayong ikaw na ang nagmamay ari nun. Tanong sa akin ni Tita at napa isip naman ako.
Mall po siguro? Tapos maliit na Village po. Malaki po kasi ang unibersidad na iyon. Sagot ko sa kanya at tumango tango sya.
Tinutulungan ako nila Tita na patayuan ng kung anong gusto ko ang dating kinatatayuan ng University.
Maganda kasi kung papatayuan ko ng mall at maliit na village upang makatulong ako sa mga tao.
Hotel din po tita, if kaya po. Dagdag ko pa at tumawa naman sya.
Para sa mga turista? Tanong nya at tumango tango ako.
Iyan din ang gusto ni Rei Xiu. 'Wag kang mag alala tutulungan namin kayo. Nakangiting sabi nya at niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik at kahit na napakalamig ng balat nya ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang ina.
Hindi ko man sya ina, pero ramdam ko ang senseridad nya.
Ilang saglit pa ay nab bitiw na kami sa pagkakayakap at sya naman ay tumayo na at lumabas na.
Pagkalabas na pagkalabas nya ay biglang lumitaw si Rei Xiu sa may terrace. Open kasi itong terrace. Bawat kwarto yata dito ay may terrace.
Ayos na ba ang pakiramdam mo? Tanong nya sa akin at marahan akong tumango at kinuha ang pagkain na dinala sa akin ni Tita.
Chop suey ito.
Wow! Chop suey 'yan?! Masarap 'yan! Natutuwang sabi ni Rei Xiu at kaagad na umupo sa kama ko at nakikain.
Busog pa ako hehehe... Sayo na yan, kakakagaling ko lang kasi sa gubat. Alam mo na... Tugon nya sa akin na aking ikinatawa.
Sya naman ay inihinto na ang pagkain at ibinigay na sa akin ang kutsara na aking ginamit din.
Hindi naman ako maarte sa mga ganito. Ayos lang sa akin ito, wala naman syang sakit.
Gusto mo bang makita si Migo? Tanong nya sa akin at halos masamid ako dahil sa tanong nya. Kaagad naman nya akong inabutan ng tubig na aking tinanggap.
Isang linggo na ang nakakalipas, pero hindi pa rin sya gising. Dagdag pa nya at dito ko naalala na hindi pa pala patay si Migo dahil ginawa ni Rei Xiu na bampira si Migo, pero kailangan pa nilang mag hintay ng isa o dalawang linggo.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasiCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...