David Miller
Kakagising ko pa lang, at gising na si Eli. Nag aayos na ito ng sarili nya.
Morning baby. Bati nya sa akin, at ngumiti ngiti muna ako bago sumagot sa kanya.
Morning, too. Elico. Sagot ko sa kanya, at sumimangot naman sya, at atsaka inayos ang pagkakatali ng buhok nya.
Ang uniform namin dito ay may Blazer at gray ang kulay nun. Ang mga babae naman ay nakasuot ng white Collared short sleeve slim shirt sa panloob, tapos ay may White and black color ribbon tie silang suot.
Tapos gray knife pleated skirt knee length ang suot nila, at Knee Length na white sock, at ang sapatos nila ay depende sa kung anong gusto mong suotin.
Sa amin naman ay Gray blazer, at sa pang loob ay White Collared Shirt. Na ni ternuhan ng Gray pants, at black shoe.
Here. Sabi nya sa akin at inabot ang uniform ko sa akin na kaagad ko namang kinuha.
Kinuha ko ang aking tuwalya, at lumabas na sa kwarto namin. Nadatnan ko sila Ace na nag kakape, at nakaupo sa may sala.
G'day mate! Bati ni Ace sa akin.
Morning dude! Bati naman ni Andrew.
Morning bro! Bati ko sa kanilang lahat, at tumungo na sa pangalawang cr.
---
Andito na kami sa classroom namin, at nandito na rin si Mr. Brown. Sya kasi ang first subject namin, at ap teacher namin sya.
Si Heart at Rei Xiu naman ay natutulog, at hindi namin sila ginigising dahil gusto namin magkaroon ng magandang palabas! Hahaha!
Ilang saglit pa ay napansin na ni Mr. Brown sila Heart na natutulog.
Ms. Caskblade! Ms. Deng! Malakas na sigaw ni Mr. Brown sa dalawa, pero hindi sila nagising. Sino ba naman ang hindi makakatulog sa lakas ng aircon dito? Hahaha!
Dahil hindi pa rin gumigising silang dalawa ay lumapit na si Mr. Brown at tinapik tapik sila Heart.
Ms. Caskblade! Paggigising nya kay Heart at inalog alog pa ito.
At ito na ang pinaka hihintay namin! What a dimwit! Hahaha!
Shut up! Nakita mong natutulog ako dito! Umayos ka kung ayaw mong sapakin kita. Sigaw ni Heart habang nakapikit, at lahat kami dito ay natawa, at nagulat naman si Mr. Brown kaya kinuha ni Mr. Brown ang stick nya sa may table at malakas inihampas sa may gilid ng upuan ni Heart.
Dahil doon ay nagulat si Heart maging si Rei Xiu. Nagising si Heart, at napatingin kay Mr. Brown at nag peace sign, habang si Rei Xiu naman ay nahulog sa kinauupuan nya.
Hahahaha!
Lampa!
Mga tulogera!
Sigaw ng iba naming classmate at tumawa sila, at kami naman ay nakitawa.
NGAYON DIN AY PUMUNTA KAYO SA GUIDANCE OFFICE! Galit na sigaw ni Mr. Brown at dali - dali namang tumayo ang dalawa at inayos ang uniform saka lumabas.
Nang makabalik si Mr. Brown sa harap ay bumulong sa akin si Elico.
Gaga talaga yung dalawang yun! Natulog ba naman sa oras ni Mr. Brown? Hmmp! Masungit na sabi ni Elico sa akin, at tumawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...