Deng Rei Xiu
Pangatlong araw na ito matapos ang pag aanunsyo ni Mr. Choi ng pagsasara ng buong gate.
Kagabi ay sinubukan kong makatakas, pero bigo ako dahil nakukuryente ako sa bawat pader na hawakan ko!
Nakita rin namin kung paano umalis ang mga Elementary.
Bukas ay malalaman na namin kung sino ang mga pumapatay. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ipaalam kung sino ang mga pumapatay!
Binigyan lang nila ako ng pagkakataon para mapatay ko sila.
Hanggang ngayon din ay hindi ko pa nasasabi kay Ace ang tungkol sa sinabi ni Axia sa akin! Damn!
REI XIU! Isang boses ang narinig kong isinigaw ang pangalan ko at ng mahanap ko kung kanino galing iyon ay nagulat at kinabahan ako.
Patakbo syang lumapit sa akin habang iwinawagayway ang kamay sa ere.
Nang makalapit sya sa akin ay kaagad nya akong niyakap at niyakap ko rin sya.
Ate Minty, ang lamig mo po! Pati rin sila mama at papa. Bati nya sa akin at tumawa naman ako.
Amren, ikaw din naman. Naiiba kasi tayo sa kanila. Tugon ko sa kanya at bumitaw naman sya sa akin sa pagkakayakap at ako naman ay umupo para mapantayan ko sya.
Hindi naman po ako malamig! Magkaiba po tayo ng temperature. Nakangusong sabi nya sa akin at ni tap ko naman ang ulo nya.
Pinsan ko itong si Amren. Amren Vien Hyland, anak ng kapatid ni mommy na lalaki. Si Nova Hale Hyland na bunsong kapatid ni mommy.
Apat kasi silang magkakapatid. Si Mommy ay pangatlo, at ang dalawang nauna sa kanya ay parehas lalaki. Si Tyler George Hyland, ang panganay at si Wales Frank Hyland ang pangalawa.
Si Amren ay ampon ni Tito Nova, tao si Amren, at si Tito pati na rin ang asawa nya ay bampira. Ayaw nilang magkaroon ng anak dahil parehas silang natatakot na mahuli rin ng Vampire Council.
Pero hindi alam ni Amren na ampon sya. Anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya dahil hindi ko akalain na dito pala sya nag aaral.
Dito ako nag aaral, ate! Kakalipat ko lang dito last last year. Sagot nya sa akin at nanlumo naman ako sa narinig ko.
Bakit? Bakit kailangan na dito pa sya mag aral?! Sa dinami dami ng paaralan dito?! Bakit dito pa?!
Alam ba to nila Tita?! Hindi ko alam na nandito sya!
Bakit ngayon lang kita nakita? Tanong ko sa kanya at tumawa naman sya.
Minsan lang kasi ako lumabas ng classroom namin, ate kasi kapag lumalabas ako ang daming lumalapit sa akin na lalaki. Sagot nya sa akin at ngumuso pa. Grade Eight na sya sa tingin ko.
Ganun ba? Maganda ka kasi! Puri ko sa kanya at napakamot naman sya sa ulo nya.
Hindi po! Ikaw nga po ang mas maganda eh! Sabi nya sa akin at tumawa naman ako.
Tumayo naman na ako atsaka naglakad lakad kami ni Amren. Pumunta kami dito sa Campus ng Elementary since bukas ang gate dito dahil wala naman ng estudyante dito. At ang Main Gate ay nakasara na at may harang.
Kataka - taka nga lang dahil parang hindi kami nakikita o naririnig ng mga tao sa labas. Sinubukan ko kasing sigawan ang mga tao sa labas, pero hindi nila ako pinapansin!
Alam mo ba kung bakit ipinasara ang gate? Tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami.
Hindi po, pero sabi nila ay Tradisyon daw po nila ito. Sagot nya sa akin at napa tango naman ako..
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...