Elizabeth Rose Taylor
Hinihintay ko ngayon si David na dumating. Ang bilin ko sa kanya ay agahan nya ang pagpunta para mailagay namin ang mga gamit namin sa Dorm agad.
Six twenty - one in the morning pa lang, at Eight o'clock ang pasok namin. Na kay Kristine ang susi ng dorm namin dahil sa kanya muna ito ibinigay.
Ma'am Ros--- tawag sa akin ni yaya, pero pinutol ko ang pag sasalita nya.
Eli po! Hmmp! Maarteng pagtatama ko sa kanya, at tumawa naman sya.
Ito na po ang kape n'yo. Sabi nya, at inilagay ang cup ng coffee sa table ko. Nasa labas kasi ako ng bahay namin, at ilang lakad lang ay makakarating na ako sa gate namin.
Dalawa ang kape na pinadala ko sa kanya.
Akmang aalis na sya ng tawagin ko sya.
Yaya, stay here please. Paki usap ko sa kanya at tumango sya saka umupo sa may katapat ng chair ko.
Hindi pa ako pinapanganak ay kasama na namin si yaya dito sa bahay namin. Sya lang ang tumagal sa ugali ko, pati na rin ang mga anak nya.
Dahil kasi sa kasungitan ko ay madaming umaalis na kasambahay dito sa amin.
Yaya, nasaan po sila daddy? Tanong ko sa kanya habang iniinom ang kape, at nakatingin sa labas ng gate namin.
Nasa ibang bansa po. May meeting po sila doon, at ganun din naman po ang mommy nyo. Sagot nya sa akin, at bumuntong hininga ako.
Lahat kaming mag kakaibigan ay only child.
Sinenyasan ko naman si yaya na inumin ang kape nya at ginawa naman nya iyon.
Yaya, diba ay pag aaralin nila mommy ang anak nyo? Tanong ko sa kanya, at marahan syang tumango.
Maganda sa ADMU, iyon po ang sabihin nyo kila daddy kapag pag aaralin na nila ang mga anak nyo po. Sabi ko sa kanya.
Mahal po ang tuition fee doon! Depensa nya, at tumawa ako.
Mas mahal po ang tuition fee namin. Sagot ko sa kanya, at tumawa ng bahagya. Kahit ano pong mangyari 'wag na 'wag po ikaw papayag na ma i enroll ang anak nyo sa Unibersidad namin. Babala ko sa kanya dahil kumakalat na ang mga balita tungkol sa nagaganap na pagpatay sa loob ng Unibersidad namin.
Ayokong madamay sila, pero ayoko rin namang sabihin iyon sa kanila. Makakapag padagdag lang ako ng problema kila daddy.
Mag sasalita pa sana ako ng marinig namin ang busina ni David. Nandito na sya!
Yaya, nandito na po ang sundo ko. Paalam ko sa kanya, at tumayo saka binitbit ang ilang gamit ko, at binitbit naman ni yaya ang mga natitira.
Lumabas na kami ng gate at bumaba naman si David sa sasakyan nya at tinulungan kaming ilagay ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan nya.
Puno na sa likod dahil ang mga gamit nya ay nandito rin, pero kasya naman lahat ng gamit namin.
May sasakyan ako, pero ang sabi ni David ay sya na lang daw ang mag hahatid sundo sa akin.
Sumakay na ako sa sasakyan ni David at binuksan ang bintana nito.
Yaya, mag ingat po kayo dito! Marami pong pagkain dyan! 'wag po kayong mahihiyang kainin iyon. Paalala ko sa kanya, at nag paalam na.
Umalis na kami ni David, at tinahak ang daan papunta sa Unibersidad namin. Wala pang masyadong traffic dahil maaga pa lang naman.
Hi Elico! How's your day? Tanong nya sa akin habang ang paningin ay nasa kalsada.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
ФэнтезиCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...