Chapter 51

1.3K 24 7
                                    

Lee Nathan

Sa wakas! Tapos na rin ang event! Tapos na ang one week na event. Yung pangatlong event naman pala ay masyadong madali.

Kailangan lang tamaan yung mansanas na nakapatong sa ulo nung tao, at kapag natamaan ay makakaligtas sya.

Pero hindi kaming mga killers ang gumawa nun! Ang mga nasa harap namin ay sila ang magpapana.

Ngayon ay pupuntahan na namin ang kubo sa kakahuyan, pero sabi ni Rei Xiu ay mamaya na lang five o'clock dahil gusto nya muna kaming pagpahingahin.

Si Eli naman ay may napapansin ako na kakaiba sa kanya. Ang pagkaka alam ko ay si Brooklyn ang may freckles at si Eli ay wala.

Pero sabi naman ni Eli ay gusto nya lang mag lagay ng ganun para maging magkamuka sila lalo ng kambal nya.

Maging magkamuka? Hindi nga yata namin sinabi sa kanya yung panglabas na anyo ng kapatid nya. May parte sa akin na naniniwala na hindi ito si Eli.

Kasama ko ngayon si Brent at Ace dito sa may kwarto namin. Si Brent ay natutulog habang si Ace naman ay nagsusulat.

Tumayo na ako sa kama ko at naglakad papunta sa pinto. Mate! Where are you goin'? Tanong ni Ace sa akin at nilingon ko naman sya.

Papatay lang, pal. Sagot ko sa kanya at napakamot naman sya sa ulo nya at tumango tango.

Pasabi na kapag na late ako ay susunod na lang ako sa kakahuyan. Si Brent alam nya kung paano pumunta doon. Bilin ko pa sa kanya at tumango na lang sya saka nagpatuloy sa pagsusulat.

Lumabas na ako ng kwarto namin at naglakad na ako papalabas ng dorm namin.

Pupunta muna ako sa main hide out namin para kumuha ng mga kakailanganin ko dahil wala akong kadala dalang armas!

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Migo.

Moin! Bati nya sa akin at nagtaas pa ng kamay kaya nakipag hi five ako sa kanya.

Kasama mo si Eli, hindi ba? Tanong nya sa akin matapos naming mag hi five.

Yep! Sagot ko sa kanya at parehas kaming naglakad.

Pasabi sa kanya na mag report sya kay Kyme dahil isang linggo na syang hindi pumapatay! Simula nung nag simula yung event wala sya. Tugon nya sa akin na aking ikinagulat.

What? Kasama namin si Eli na pumatay, ewan ko nga kung bakit sya sumama sa grupo namin. Aniya ko sa kanya at napa iling iling sya.

Pero sa amin sya kaya pakisabi sa kanya na kung ayaw nya pang mamatay ay pumunta sya kay Kyme. Sabi nya sa akin at tinapik tapik ang balikat ko saka naunang mag lakad.

That's weird!

Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya iyon. May importante pa ako na pupuntahan.

Anak ng kamote! Maglalakad pa pala ako! Mag re - renta nalang ako ng bike, para makarating agad sa campus namin!

Nang makababa na ako ay pumunta ako sa rentahan ng bike.

Nate! Bati sa akin ni manong Robert at may katandaan nya sya.

Kamusta po kayo manong? Bati ko sa kanya at mahina syang tumawa.

Ako'y ayos lang. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, at nakakatulog ng maayos. Sagot nito sa akin at napatango tango ako.

Mabuti naman po at ganun! Tugon ko sa kanya at lumapit sa isang bike na gusto kong rentahan.

Ito po ang re rentahan ko. Mamayang hapon ko po ibabalik. Sabi ko sa kanya at naglabas ng limang piso.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon