Lee Nathan
Anak ng kamote! Patay na si Heart. Ang Heart ng Cooler Group.
Lahat kami ay malungkot dahil sa nangyari kay Heart, pero si Rei Xiu na namatayan ng dalawang pinsan at ng isang matalik na kaibigan ay ayaw makipag usap sa sino man sa amin.
Kahit na si Ace na kanyang nobyo ay ayaw nyang kausapin. Nag kulong lang sya ng dalawang linggo sa loob ng kwarto nila.
Bukod kasi sa pagkamatay ni Heart ay nung kinagabihan ay may nag padala sa amin ng parte ng katawan ni Heart na lalong ikina galit at lungkot ni Rei Xiu.
Mates! Sa tingin nyo ba ay ayos lang si Rei Xiu? Tanong sa amin ni Ace, at nandito kami ngayon sa kwarto namin.
Ang balak nila Kristine ay palipatin si Ace sa kwarto ni Rei Xiu para magkaroon sya ng kasama, pero hindi pa nakakausap ni Kristine si Rei Xiu.
Magiging maayos ka ba kung namatayan ka ng tatlong mahal mo sa buhay, mate? Ratbag! Singhal ni Brent habang abala sa pagtitipa sa type writer nya.
Ako naman ay hindi maiwasan na matawa dahil sa inaasal nitong dalawa. Parehong lumaki sa Australia, pero hindi magkasundo.
Drongo! Bato ni Ace at tumingin naman si Brent ng masama sa kanya.
Wala pa ba talagang balita kung sino ang pumatay sa kanya, pal? Tanong ko kay Brent dahil mukang mag sasapakan na ang dalawang ito.
Ang sabi ni pinunong low ay wala silang pinapatay. Sa inyo ba mate? Sagot na tanong ni Brent sa akin at napakamot naman ako sa ulo ko.
Anak ng kamote? Sino naman ang pumatay sa kanya? Wala namang kaaway ang babaeng iyon!
Kay Eli? Tanong nya pa sa akin at tumawa naman ako ng bahagya na kanyang ikinakunot ng noo.
Ang sabi ni Migo kay Eli ay hindi nila pinatay si Heart. Sa tingin ko naman ang nag sasabi si Migo ng totoo dahil alam mo naman yun, patay na patay kay Rei Xiu. Sagot ko sa tanong ni Brent at nagparinig ng konti kay Ace.
Bigla ko namang naramdaman na binato nya ako ng unan kaya binato ko rin sya.
Habang nag babatuhan kaming dalawa dito ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin.
Bumungad sa amin si Eli na halatang hinihingal. Hmmp! Si Bella Boo mo - - -. Balita nya, pero hindi nya naituloy ang sasabihin ng mag salita kaagad si Brent.
Anong meron sa kanya? Alalang tanong ni Brent at napa bungtong hininga naman sya.
Kinidnap sya ni Stacy. Sagot nito na aming ikinagulat. Padabog namang tumayo si Brent at kaagad na naglakad papalabas, pero hindi pa sya nakakalabas sa pinto ng may biglang humarang sa kanya.
Si Rei Xiu ito...
Sasama ako sa paghahanap. Malamig na sabi nya at sa itsura nya ay muka naman syang maayos.
Si Ace naman ay parang bata na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Rei Xiu at dinanggi pa si Brent dahilan upang tumama sya sa may pinto.
Rei Xiu babe! Masayang tawag ni Ace kay Rei Xiu at kaagad itong niyakap.
Niyakap din naman sya pabalik ni Rei Xiu at ako naman ay tumayo at nag lakad papunta sa direksyon nila upang patigilin na sila.
Itigil nyo na iyan! Anak ng kamote, pals! Pang sisita ko sa kanila at nag bitiw nga sila sa pagkakayakap sa isa't isa.
Ako naman ay yumakap kay Rei xiu at hindi pa ako nakakatagal ng isang minuto ay may humatak sa akin.
Don't be a drongo, mate! Pinaalis mo ako tapos ikaw din ay yayakapin mo sya? Inis na tanong ni Ace sa akin kaya nag bitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya at lumabas na ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...