Brent Scott
Tapos na ang pagpapakilala ni Mr. Choi sa amin, and reckon kailangan naming mag paliwanag kila Rei Xiu.
Nandito na kaming tatlo sa dorm at wala pa sila Rei Xiu.
Anong sasabihin ko? Kinakabahang tanong ni Eli sa amin at nag kibit balikat ako.
Nasaan na ang "hmmp!" mo? Nawala ah? Napalitan ng kaba, pal! Pang aasar ni Nathan at malakas syang sinuntok ni Eli sa braso.
Umayos ka nga, Eth--Nathan! Bulyaw sa kanya ni Eli at bumuntong hininga naman ako.
Walang magagawa ang pag aaway nyo, Mates! Pangbabawal ko sa kanila at parehas nila akong pinandilatan ng mata kaya lumayo na lang ako sa tabi nila.
Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng dorm namin at bumungad dito sila Kristine, kasama si Bella.
Ratbag! She's here!
Tahimik naman silang pumunta sa sofa at si Eli ay kaagad na tumayo at sinalubong si David.
Baby David! Masiglang tawag nya dito, pero hindi man lang sya nito pinansin.
Hey Bro.. Tawag nya kay Andrew at tinapik pa ito. Friend of yours? I take it. Tanong pa nito kay Andrew at napa kamot naman sa ulo si Andrew.
Kita ko naman sa muka ni Eli ang lungkot, habang si David ay hindi maipinta ang muka.
Kung ayaw mong pagbuhatan kita ng kamay ay don't go near me, bro. Malamig na sabi nito kay Eli at tiningnan nya si Eli na parang nandidiri.
Naiwan si Eli doon ng magpatuloy ng maglakad si David at naupo sa tabi ni Rei Xiu. Nakatulala at iniisip kung paano babalikan si David.
Kita ko ang pagkalungkot nya, at pagkagalit. Si Rei Xiu naman ay naka kuyom ang mga kamao at masama ang tingin sa amin.
Napansin ko naman na hindi nila kasama si Ace, may isa pa bang grupo?? Pero bakit hindi iyon ipinakilala?
Si Eli naman ay bumalik na sa tabi namin at nakayukong umupo.
Ngayon ay nag iisip na kayo ng kung ano - ano... Napagtanto ko na nitong nakalipas na mga buwan ay iningatan nyo ang mga iniisip nyo upang hindi ko kayo mabasa. Panimula ni Rei Xiu at bakas dito ang pagkagalit.
Ikaw Nathan! Pinapunta mo ba kami dito para patayin? Galit na tanong ni Rei Xiu, pero pinapanatili nya ang pagiging kalmado. Habang sila Kristine naman ay tahimik lang.
Masyadong tensyon ang atmosphera dito!
Hindi. Simpleng sagot nito at nakita ko kung paano manggigil si Rei Xiu kay Nathan.
Ngayon... Sagutin nyo ako! SINONG PUMATAY SA PINSAN KO?! Galit na tanong nya at napapiyok pa sya dahil tumutulo ng bahagya ang luha nya.
Kami naman ni Nathan ay parehas na nakayuko.
A...ako. Kinakabahang sagot ni Eli at sa isang iglap ay tumalsik kaming tatlo sa kina uupuan namin.
Mabilis ang pangyayari, tumama ang likod ko sa pader at kaagad naman akong nilapitan ni Bella.
Si Eli naman ay sakal sakal ni Rei Xiu at nakadikit ito sa pader.
BAKIT?! BAKIT SYA PA?! Gigil na tanong ni Rei Xiu kay Eli at hindi naman ito makasagot dahil sakal sakal sya ni Rei Xiu.
Si David naman ay walang pakealam na nakatingin kay Eli. Ilang saglit pa ay napagpasyahan nya na pumunta sa kwarto nya.
Alam kong nasasaktan sya... Ratbag!
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...