Deng Rei Xiu
Monday na ngayon, at nandito na ako sa university namin kung saan kasalukuyan kong hinahanap sila Eli. Sabi kasi ni Eli nasa Garden sila eeh, pero saang garden?
Maaga pa naman, at mamaya pa raw ang start ng Orientation.
Ilang saglit pa ay narating ko ang Garden, at hinanap sila Eli. Hanggang sa makita ko sila na naka - upo sa may isang table na gawa sa wood.
Eli! I called her and wave my left hand in the air. Lahat naman sila ay tumingin sa akin maliban kay Nathan at si Eli naman ay kaagad tumayo saka tumakbo papalapit sa akin.
Nang makalapit siya sa akin at makita ako ay her jaw dropped on the floor as her eyebrows shot towards sky. Wala akong nagawa kung hindi ang tumawa dahil sa pagka shocked nya.
Lalo kang pumutla! Masungit nyang sabi, at hinampas ako nang bahagya sa aking braso.
Lalo ka namang sumungit! Balik ko sa kanya, at parehas kaming tumawa. Nag yakapan kami, at nag beso sa isa't isa. Matapos nun ay dinala na nya ako sa table nila.
Nandito sila Andrew, Kristine, David, at Nathan, pero si Brent at Heart ay wala pa dito. Mga late talaga kahit kailan.
Tiningnan ko naman si Nathan na kakaiba ang itsura. He is rubbing his eyes and then little by little his eyes are closing and he looks like a ghost!
NATHAN! sigaw ko sa kanya, at gulat syang tumingin sa akin.
O....O....Oh? I...Ikaw pa...pala yan Heart! Sabi nya, at yumuko ulit, at nag si tawanan naman kami dito dahil sa ginawa nya.
Ako naman ay umupo na lang, at tinapik naman ni Andrew si Nathan dahilan upang mag-angat ito ng tingin.
Si Rei Xiu yan... sabi nya, at may ibinulong. yung gustong-gusto mo. bulong ni Andrew. Narinig ko yun, pero sila Eli hindi! Huh? Luh? Anong gustong-gusto dyan. I thought over na sila sa thoughts na iyun.
Dahil sa sinabi ni Andrew ay nag mulat ito ng mata, at tumingin sa akin saka binigyan ako ng sweet na ngiti. Matapos yun ay nag kamot sya ng ulo.
Ikaw pala yan Rei Xiu! Alanganing ngiti nya sa akin, at ngumiti rin ako, pero ngiting sarkastiko.
Oo nga.Ako si Rei Xiu. Masungit na tugon ko sa kanya, at tumawa silang lahat.
Puyat na puyat kasi yan kaka laro ng video game! Sabat ni David, at pangisi-ngisi pa sya. Mga to talaga parang nakasinghot lagi ng kung ano.
Kamusta naman ang buhay, Rei Xiu? Kristine asked me while hugging Andrew na bahagya kong ikinataas ng kilay. Really? Couples everywhere?
Makulay pa rin naman. I answered and she chuckled.
Sino naman ang nagkulay? Nanunuksong tanong ni Eli habang sinusuri nya ng tingin ang buong katawan ko.
Ako syempre. Sagot ko sa kanya na kanilang ikinatawang lahat. What's wrong with my answer ba?
Hmmpp! Makulay nga buhay mo, pero ang balat mo ay kay putla naman. Kulayan mo rin! Hmmpp! Masungit na aniya sa akin.
Tama! Dapat kulayan mo na yan! Gatong pa ni David.
Pakulayan mo kay Nathan! Kulayan nyo ang isa't isa! Yiiii! Sabat rin ni Andrew kaya nag sigawan sila, at tinutukso nila ako kay Nathan.
Tumingin ako kay Nathan and he smirked. Argh! People wwhhyy? Nag-iwas na lang ako ng tingin, pero nakikita ko pa rin ang pag smirk nya kaya lalong lumakas ang sigawan nila dito na halos mapatingin na sa amin ang mga estudyante dito.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...