Chapter 52

40 1 0
                                    

Deng Rei Xiu

Heh! Late na naman si Nathan! Ang lalaking iyon talaga!

Ang sabi ni Nathan ay susunod na lang sya, Si Brent daw ang magtuturo sa atin, myob. Sabi sa akin ni Ace habang ako ay naka upo dito sa sofa ko at umiinom ng tomato juice.

Yup! Bloody oath! Mate! Masiglang tugon ni Brent na sa tingin ko naman ay naka regained na ng lakas.

Si Bella naman na dito na natulog ay mukang malakas naman na sya. Si Kristine na katabi ni Andrew at nakadantay ang ulo nito sa balikat ni Andrew.

Si Eli naman na tahimik lang sa isang gilid at ni ayaw man lang magpahawak kay David. What's wrong with her? I can't read her thoughts anymore.

I want to ask her about that, but we have something important to do, and I don't want to argue with her. She's a little bit wild these past few days.

What are we waiting for? I asked them.

Christmas! Andrew jokingly answered my question.

Tumayo na ako at maging sila rin at nagpauna na akong mag lakad. Dala ko na ang limang susi at kamuntikan na itong mawala sa akin!

Nahuli ko kasi na kinukuha ni Eli ang limang susing ito at nung tinanong ko sya ay sabi nya ay tinitingnan nya lamang kaya simula nung nagtangka syang kunin ang mga susing ito ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya.

I don't know what she's up to. Una ay pumasok sya sa kwarto ko ng walang paalam, but that's fine with me naman. Ang problem ko lang ay pinakealaman nya yung mga gamit ko na hindi naman gawain ni Eli dati.

Pangalawa ay ang pagtatangka nya sa mga susi na nakawin ito. Whatever her reasons are, I don't care about that. It's clear to me that she tried to stole these keys from me.

Itinuturing ko pa rin iyon na pagnanakaw dahil hindi man lang sya nagpaalam sa akin.

That's not Eli's thing. She's acting strange.

Malapit ng mag curfew ngayon dahil five o'clock na kaya kami nag mamadali baka may makahuli sa amin.

Lumabas na kaming lahat ng dorm at nasa unahan si Brent at Eli. Habang sila Kristine ay nasa gitna at kaming tatlo ni Ace at David ay nandito sa likod nilang lahat na naglalakad.

Nasaan yung kakahuyan? Tanong ni David sa amin habang nakadikit sa akin na naglalakad. Ayaw daw kasi sa kanya ni Eli. Kamuntikan na nga raw silang mag break kaya iniiwasan muna nya si Eli dahil kusang umiiwas sa kanya si Eli.

Nandito pa lang tayo sa dorm building natin, dude! Sagot ni Andrew sa kanya at hindi naman napigilan ni Ace na hindi matawa dahil sa tinuran ni Andrew.

Myob! Tawag sa akin ni Ace na aking ikinaiirita minsan.

Heh? Ano? Sagot ko sa kanya at tiningnan sya ng masama dahilan upang mapakamot sya sa kanya ulo.

Ako naman ay tumawa upang hindi sya mailang. Takot na takot kasi itong mga lalaking kaibigan ko sa akin! Maging ang nobyo ko ay takot sa akin. Akala siguro nila ay mamamatay na sila.

Gusto ko lang huminge ng tawad dahil sa mga tinuran ko sayo bago maganap yung event. Tugon nya sa akin at inakbayan ko naman sya habang naglalakad kami.

Naaahh Yeaah! I forgive you, mate! So don't be a drongo, mate! Panggagaya ko sa accent nya at sya naman ay bumungisngis na parang bata.

Blimey! You two better get a room. Singhal sa amin ni David na ngayon ay sobrang bitter.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon