Chapter 26

1.2K 16 0
                                    

Amber Levinia Hyland - Deng

Nandito na kami sa bahay namin sa Spokane at aalis ulit kami dahil wala dito sa Washington ang kamag anak namin dahil nasa Oregon sila.

Humiwalay lang kami sa kanila dahil kay Lumi. Itinatago namin sya.

Nasaan na sila mommy? Tanong ng anak kong si lumi sa akin.

They're not here. Pupunta tayo sa Oregon. Sagot ko sa kanya at nanlaki ang mga mata nya.

Heh? Oregon? Malayo yun ah? Tanong nya sa akin at tumango tango ako.

Dun tayo nabibilang. Hindi dito. Sagot ko sa kanya at napa tango tango naman sya.

Saan sa Oregon? Tanong nya sa akin habang umiinom sya ng Tomato Juice.

Sa Reedsport, may bahay tayo dun at dun kami ipinanganak, pero nasa Elliott State Forest ang bahay ng Deng Family. Sagot na paliwanag ko sa kanya at tumango tango naman sya.

Habang nag aayos naman ako ng sarili ko ay pinagmasdan ko ang anak ko. Ang kulay ng balat namin ay pale white at kasing lamig kami ng yelo.

Golden brown ang kulay ng mga mata namin dahil ang diet namin ay Animal Blood.

Bright Red naman para sa mga newborn vampires. Habang ang Rose Red ay diet sila human blood.

Magiging Honey Gold naman ang kulay ng mata ng isang bampira kung kakainom pa lang nya sa dugo ng hayop at habang tumatagal ay nagiging Golden Brown kapag inaaraw araw nila.

Vivid Crimson naman kapag kakainom pa lang nya ng dugo ng tao at mag babago iyon sa loob ng dalawang linggo sa pagiging Rose Red kung patuloy pa rin sya sa pag inom ng dugo ng tao.

Ganun rin ang pag inom ng dugo ng Hayop.

Araw araw ka bang umiinom ng Tomato Juice? Tanong ng aking asawa na dapat kong itatanong kay Lumi.

Oras oras po. Sagot nya at umiling iling naman ang aking asawa.

Tatlong sachet sa loob ng limang araw lang dapat ang iniinom mo. Kaya pala mabilis maubos ang Tomato Juice mo. Seryosong sermon nya kay Lumi at napayuko naman si Lumi.

Lumabas na kayo at bya - byahe pa tayo. Utos nito sa amin at kaagad kaming sumakay sa sasakyan namin.

Nang makasakay na kami ay kaagad kaming umalis dahil paniguradong hinihintay na nila kami.

---

Deng Rei Xiu

At last I'm home... Pero pupunta pa kami nila mommy sa Reedsport Oregon. May kalayuan nga lang iyon.

Ang saya ring basahin ang mga iniisip nila daddy at mommy. Ang iniisip ni mommy ay ang mga pinsan nya, at si daddy naman ay trabaho. Doctor kasi si daddy.

Nine hours ang byahe papunta sa Oregon kaya naman may naisip ako.

Nang huminto kami sa stop light ay dito ko na isasagawa ang balak ko!

Mommy! Mag kita kita na lang tayo sa West exit papuntang portland. Paalam ko sa kanila at kaagad na lumabas na walang dalang payong dahil wala namang sinag ng araw dito.

Narinig ko naman ang malakas na pag sigaw ni daddy at mommy sa aking isipan na aking ikinatawa.

Bumalik daw ako sa sasakyan, pero hindi ko iyon ginawa at nag lakad papunta sa hindi ko alam.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon