Deng Rei Xiu
Ito na... Ito na ang araw na pinakahihintay namin. Hindi ko kasama si Ace, hindi ko alam kung saan nag su suot ang lalaking iyon!
Ako kasi ang panghuling pumunta dito hehehehe! Wala pa man din ako sa loob ng gymnasium ay dinig na dinig ko na ang kanta ng The Jets!
Yung 'you got it all" Isa ako sa number one fans nila! Sheem! Pagka pasok na pagkapasok ko dito ay biglang nag iba ang tugtog at napalitan ito ng Make it Real by the Jets!
Nag simula namang mag sayaw ang mga lalaki at babae, pero mag ka ka partner sila.
Nakita ko naman si David at Eli na nasa gilid at mahinhin na nagsasayaw kasama si Eli.
Si Brent at Bella naman na malapit sa stage ay nag sasayaw din. Si Nathan ay naka upo lamang dahil wala naman syang partner. Xoxad!
Nag lakad lakad pa muna ako hanggang sa nakita ko sa Ace.
Tonight it's been a year
We met each other here
Here I am all alone
As thoughts of you go on.What the hell!!! Dito ko sya nakilala! Eksaktong dito sa lugar na ito! Kung saan ako ngayon nakatayo! Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw, pero nakikita ko na papalapit ng papalapit na sa akin si Ace.
Gusto na yatang lumabas ng puso ko! Nagwawala ito!
Nang makalapit ito sa akin ay ganun ang itsura nya. His eyes were full of emotions. Kung paano ko sya nakilala noon ay ganito rin ngayon.
Iginiya nya ako kung paano sumayaw. Hinawakan nya ako sa beywang ko at hawak ang isang kamay ko.
Habang ang isang kamay ko ay nakapulupot sa batok nya.
Hear me cryin' out to you
You said, "Never, never would I leave"
Here's a tear from me to you
And maybe it will make you hear meI loved you
You didn't feel the same
Though we're apart
You're in my heart
Give me one more chance toMake it real.. Pagsabay nya sa kanta na make it real.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko! Sobrang saya ko! Sa unang pagkakataon ng aking buhay nakakilala ako ng isang katulad nya na kayang tanggapin ako sa kung sino at ano ako.
Masaya ka ba, Myob? Nakangiting tanong nya sa akin at ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot.
Sobra. Sagot ko sa kanya at idinikit nya sa akin ang noo nya.
Kung ako ang papipiliin, sana ay hindi na matapos ang oras na ito. Gusto kitang makapiling sa habang buhay. Bulong nya na aking ikinangiti. Heh! Kinikilig ako! Sa sobrang kilig ko ay gusto ko na syang ibato!
Mamaya na muna ang moment! Thirty minutes after mag simula ang party ay mag sisimula na ang patayan. May twenty minutes na lang tayo. Pang i interrupt ni Andrew sa amin.
May mga nakakabit sa amin na gadget. Kung saan maririnig namin ang isa't isa.
Ang sa aming mga babae ay nasa hikaw nakakabit at ang sa mga lalaki ay sa ribbon nila.
Ang sa amin ay butterfly na hikaw at ang sa mga lalaki ay bulaklak na nakakabit sa ribbon nila.
Si Brent lang ang naiiba dahil nag suot sya ng hikaw dahil may butas naman sya sa tainga at gusto nya daw na magkaparehas sila ni Bella.
![](https://img.wattpad.com/cover/189369676-288-k562609.jpg)
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...