David Miller
Cool! May patayan, Hide outs, anong sunod? Ako namatay? Ganun? Dimwit!
Ngayon tuwing Break at Lunch namin ay nasa Hide Out namin kami para mag training.
Si Bella at Kristine ang nag tra - training sa amin. Yes! Si Kristine na laging nahihimatay at nag papanic kapag may nangyayaring kaguluhan, pero kaya nyang lumaban!
How about my Elico? Her father is a Soldier, pero mukang hindi sya naturuan kung paano makipag laban.
Baby David! Tulala ka na naman dyan! Hmmp! Rinig kong tawag sa akin ni Elico ko sa akin kaya tiningnan ko naman sya.
Hmmp! Nakapag review ka na ba sa Sci? Tanong nya sa akin at marahan akong tumango dahil kagabi ay ang ginawa ko ay mag review ng mag review
Habang nag hihintay kami sa guro namin sa Sci ay may kinuha ako sa bag ko.
Apat na maliliit na garapon ito at may konting kanin na nakahiwalay.
Kilawin na Tanigue ito!
Baby David?! Mahinang bulalas ni Elico ko at mabilis na inagaw sa akin ang isang garapon.
Mahilig kasi sya dito, at si Rei Xiu at Kristine rin. Si Heart lang ang may ayaw dito dahil sa tuwing kakainin nya ito o aamuyin ay nasusuka sya.
Bro! Iabot mo to kay Rei Xiu. Utos ko kay Nathan na katabi lang ni Elico ko kaya kinuha nya ito at iniabot kay Rei Xiu.
Nang makuha nya na ay kaagad nyang inilabas ang ulo nya at nagpasalamat.
Si Kristine naman ay inabutan ko rin sa likod at nag si pag kainan kami.
Ang asim naman nun! Rinig kong angal nung iba at ng makita nila kung kanino nanggagaling ang amoy na iyon ay kaagad silang tumahimik.
What a dimwits! Hindi ko alam kung bakit natatahimik sila kapag pagdating sa amin. Wala namang mali sa muka namin, hindi naman kami nakakatakot na nilalang na mukang impakto at impakta!
Baby David, Hmmp! Don't mind them. Bulong ni Elico ko at tumango tango naman ako.
Habang kumakain kami ay nakarinig kami ng sigawan galing sa kabilang room at kila Ace iyon!
May mga lumabas naman at pumunta doon para maki usisa, at hindi pa man kami nakakatayo ay nasa labas na rin si Rei Xiu at nakiki usisa.
Tumayo kaming lahat at kaming mga kumakain ay iniwan muna ang mga pagkain naman sa table namin at lumabas na.
May katawan ng tao na nakasabit sa kisame at labas ang utak nito!
Nang tingnan ko naman si Rei Xiu ay nakita ko na nakatingin sya ng maigi sa katawan at batid kong nag pipigil sya, pero alam ko namang kaya nyang pigilan ang sarili nya.
Ang mga mata naman nung bangkay ay nasa table ng teacher at may note na nakalagay doon.
Ano ang nakasulat doon? Tanong ni Heart kay Rei Xiu dahil sya lang naman ang may kakayahan
Ry'n ni'n dod. Sagot ni Rei Xiu at napakunot naman ang noo naming lahat.
Blimey? May ganun bang salita? Can't understand it. Tanong ni Heart at tumango si Rei Xiu.
Welsh yata iyon. Sagot nito.
We're coming, iyon ang nakasulat kapag ni translate. Dagdag pa nya at mag sasalita na sana ako ng biglang sumigaw si Brent at Andrew.
Nang tingnan namin iyon ay nagkalat ang suka ni Kristine at nawalan ito ng malay.
Si Ace naman ay lumabas na ng classroom nya dahil sa kanya tumapon ang ilang dugo.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasiaCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...