Heart Denise Caskblade
Pupunta na sana kami ni Brent sa pwesto nila Eli ng biglang may bumagsak sa amin na bangkay.
Dahil sa nangyaring iyon ay nag panic ang lahat ng classmate namin, at kami ni Brent ay nakatayo lang dito at hindi alam kung anong gagawin.
Naliligo kami sa dugo!
Mate! Is this a welcome prank? Seryosong tanong sa akin ni Brent, at napa isip naman ako.
Ang galing naman ng prank na ito!
Maybe? Sagot ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
Pero bakit sila nag kakagulo? That's weird. Sabi nya sa akin, at tumango tango ako.
Siguro ay hindi ito prank. Tingnan mo ang mga bangkay, at tingnan mo ang dugo na nababalot sa atin. Totoo ito! Asik ko sa kanya, at nag simula akong mataranta!
Sya naman ay pinigilan ako dahil nagtatalon na ako at nag sisigaw katulad ng iba.
Hey mate! Calm down! Ani nya sa akin, at hindi ako kumalma, at hindi ko sya pinansin kaya niyakap nya ako.
Dito ay kumalma ako dahil may katabi akong tao na buhay! Hindi ko naman gusto itong si Brent. Wala akong nagugustuhan.
Feel better, huh? Tanong nya sa akin, at marahan akong tumango. Sya naman ay ngumisi dahilan upang mapasimangot ako.
Ilang saglit pa ay sumigaw ang adviser namin, at pinapatahimik kami.
Ang iba na natira dito ay tumahimik, at ang iba ay nasa labas, at nag bubulungan. Dumating na rin ang mga Janitor.
Pumunta na kayo sa gymnasium, at kayong dalawang mag kasintahan ay pumunta na sa shower room! Utos sa amin ni Mr. Brown kaya mabilis kong itinulak si Brent. Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya dahilan upang matumba sya sa may bangkay.
Hindi po kami magkasintahan. Asik ko sa kanya, at napa buntong hininga naman itong si Mr. Brown.
Inis akong lumabas ng classroom, at pumunta sa shower room. Dahil may mga estudyante na nandito sa labas ay pinag titingnan nila ako!
Umaakyat na kasi sila sa Gymnasium, at ako naman ay ito papunta sa shower room.
Habang nakayuko akong nag lalakad ay may biglang umakbay sa akin, at ng tingnan ko kung sino ito ay si Brent ito.
Hey mate! Bati nya sa akin at sinimangutan ko sya.
Tigil tigilan mo ako, Brent! Inis na sabi ko sa kanya, at tumawa sya dahilan upang makaagaw sya ng atensyon ng kababaihan.
Just kidding. Ani nya, at tumawa tawa. Alam naman naming lahat na si Rei Xiu ang gusto nya, at kahit mag kagusto pa sa akin ang baliw na ito ay hindi ko sya magugustuhan.
Gaya ng sinabi ko ay wala akong gusto!
Nang makarating kami dito sa may shower room ay nag hiwalay na kami. Sya ay sa boys shower room, at ako syempre dito sa girls shower room.
Nag simula na akong maligo, at napakalansa ng amoy ng dugo!
---
Nandito na kami sa Gymnasium at tabi tabi kaming mag kakaibigan. Katabi ko si Rei Xiu dito sa kaliwa ko, at sa kanan ko ay si Brent.
Lumalaganap na ang pagpatay dito sa loob ng Unibersidad natin. Panimula ni Mr. Choi.
Batid ko na ang mga pumapatay ay nasa labas kaya simula ngayon ay isasara na ang gate. Magkakaroon na rin ng curfew. Anunsyo nya, at marami ang nagulat, marami ring umangal.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasiaCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...