Chapter 19

1.2K 17 0
                                    

Ace Crimson Night Griffin

Kaarawan ni David bukas, at balak kong dalhin si Minty sa mga magulang ko mamaya pagkatapos ng klase namin.

Ace...Babe...tawag sa akin ni Kyme at hindi ko sya nilingon dahil mas pinili kong mag sulat ng kung ano-ano.

Pansinin mo naman ako, nag durusa ako dahil sa hindi mo pag pansin sa akin. Malungkot na wika nya at napabuntong hininga naman ako. Dito ay itinigil ko ang pag susulat at humarap sa kanya.

Ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi kita gusto? At may gusto akong iba. Tanong ko sa kanya at napayuko naman sya at nag simulang suminghot na batid kong iiyak sya.

Gusto mo lang naman sya, hindi mahal, kaya pwede mo akong mahalin. Sagot nya sa akin at hinatak ko naman sya papaupo dahil ayokong mag karoon ng issue na naman.

Naiinis na ako sayo! Sinabi kong hindi kita gusto! At hinding hindi kita magugustuhan! Asik ko sa kanya at pinipigilan ko ang sarili ko na masaktan sya.

Are you with us? Mr. Griffin and Ms. Xaviera? Tawag sa amin ni Ms. Alice na guro namin sa Economy.

Yes Ms! Sagot ko sa kanya at tumango lamang si Kyme.

Mahal kita Ace... Mahalin mo rin sana ako. Paki - usap ni Kyme sa akin at ako naman ay hindi ko napigilang hindi matawa.

Don't be a drongo, mate! Inis na sabi ko sa kanya at tumalikod na sa kanya. Sya naman ay tumayo na at pinuntahan si Ms. Alice at nag paalam na lalabas sya.

Nang makalabas sya ay nakahinga ako ng maayos dahil hindi ko talaga pwedeng pilitin ang sarili ko na magustuhan sya.

Hindi ko sya gusto dahil ang gusto at mahal ko ay si Minty.

Ilang saglit pa ay tumunog na ang bell at ang ibig sabihin ay uwian na kaya dali - dali kong isinukbit ang bag ko at lumabas ng classroom.

Kaagad akong pumunta sa room 4 - 4 at doon ay nakita ko si Minty na nakatayo at hinihintay sila Andrew.

Ako naman ay pumasok na sa classroom nila at nilapitan si Minty.

G'day, Mate! Bati ko kay Minty at humarap naman sya sa akin atsaka ngumiti.

Good day! Nakangiting bati nya rin sa akin.

Free ka ba ngayon? Tanong ko sa kanya at sasagot na sana sya ng biglang sumabat si Eli.

Hmmp! Hindi sya free ngayon, why? Hmmp! Masungit na tanong ni Eli habang ang nakataas ang isang kilay nya.

Gusto ko sana syang ipakilala sa mga magulang ko. Sagot ko kay Eli at nanliit naman ang mga mata nito.

Kayo na? Kayo na? Hmmp! Nanunuksong tanong ni Eli sa akin at tumawa naman si Minty.

Heh! Wala naman akong gagawing ngayon, kaya sige. Sagot ni Minty sa akin  at ako naman ay natuwa.

Si Minty naman ay kaagad na lumapit sa akin at humarap kila Andrew.

Mauuna na kami baka abutin kami ng Curfew. Pag papaalam ni Minty sa kanila at lumapit naman ang tatlong babae sa kanya at nakipag beso.

Pag may ginawang masama sayo yang si Ace, kagatin mo! Payo ni Eli na aking ikinagulat.

Baliw ba to? Ako'y nananahimik.

Mag ingat kayo! Bilin naman ni Kristine at Heart. Nang makapag paalam sila sa isa't isa ay lumabas na kami ni Minty sa classroom nila.

Ayos lang ba kung sa motor tago sasakay? Tanong ko sa kanya habang nasa hallway kami at nag lalakad.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon