Deng Rei Xiu
Ngayon na ang Flight namin pauwi sa Pilipinas at hindi na talaga ako makapag hintay na makita silang ulit!
Nakasakay na kami sa Airplane at mamaya ay mag ta - take off na rin kami.
May mga tanong ako na dapat itanong sa kanila noong mga nakaraang araw, pero busy sila kaya I spent my time sa kwarto ko.
Mommy, paano palabasin ang Fangs natin? Tanong ko sa kanya dahil nung nag uusap kami ni Austin ay biglang lumabas ang Fangs nya.
Lalabas iyon kapag nakaka sense tayo ng danger sa paligid natin o kaya ay kapag nauuhaw na tayo. Sagot nito sa akin at hindi ko maiwasang maisip kung kaya ba kaming saktan ng mga tao.
Kaya ba tayong saktan ng mga tao? Bulong ko sa kanya at tumawa sya ng mahina.
Lumi, hindi tayo kayang saktan ng mga tao. Sabihin natin na may hawak silang patalim kahit anong gawin nila doon ay hindi nila masyadong masusugatan. Tanging ang kapwa nating bampira lang ang maaaring makapanakit sa atin. Sagot nito sa akin at hindi na ako nag tanong dahil baka may makarinig sa amin.
Kamusta na kaya sila doon? Heh! Kahit papaano ay nakabili ako ng pasalubong sa kanila.
---
Heh! We're here! I'm back! At last! Wooo!
Balot na balot kami kahit na mainit, kapag kasi nasinagan kami ng araw ay mag spa - sparkle kami na parang glitters!
Kaya no choice kung hindi ang maging balot na balot. Pinag titinginan naman kami ng mga tao dito, pero hindi na lang namin sila pinapansin.
Sumakay na kami sa sasakyan namin dahil may kaibigan dito si daddy na bampira rin at ipinatago nya muna ang sasakyan nya dito.
Nang makasakay kami ay hinubad na namin ang mga suot naming sobrang damit at nag simula na si daddy na paandarin ang sasakyan.
Habang nag dra - drive si daddy ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi sa akin ni Axia.
Kailangan kong iwanan si Ace para sa ikakabuti namin, pero paano? Sa tingin ko ay hindi ko kaya..
Habang buhay akong mangungulila sa kanya dahil sino mang bampira ang umibig at mahanap ang partner nya ay pang habang buhay na iyon at kapag namatay ang isa ay maaaring mag pakamatay na rin ang isa dahil sa pangungulila.
Okay lang naman siguro iyon?
Okay lang naman siguro na iwanan ko sya dahil tao sya, at paniguradong makakahanap sya ng babaeng mamahalin nya hanggang kabilang buhay.
Anak, Lumi. Tandaan mo ang ibinilin ni Axia sayo. Hindi ka namin pinipilit, nasa iyo pa rin ang desisyon. Paalala ni mommy na lalo kong ikinalungkot.
---
Girl! Hindi alam ni Ace na ngayon ang uwi mo! Nag handa na kami para sa kanya at para sayo! Well sya na lang ang tulog ngayon! Chika sa akin ni Heart dahil nandito na ako ngayon sa University namin.
Sila mommy naman ay umuwi na sa bahay namin.
Nababasa ko lahat ng iniisip nila maliban kay Kristine at Ace.
Lahat sila ay na miss ako. Awww...
Hmmp! Kamusta ang America? Masungit na tanong sa akin ni Eli at inirapan ko sya.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasiCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...