Elizabeth Rose Taylor
Nandito na kaming lahat sa classroom, maliban kay Mint na nasa daan pa lang daw papunta rito.
Nabalitaan nyo ba na nasa tatlong pu't isa na ang namamatay? Rinig kong bulong ng isa naming classmate sa harap ko. Si Janice ito. Janice Kier.
Dahil wala naman akong ginagawa ay naisip ko na pakinggan ang pinag uusapan nila. Sila David kasi ay abala sa paggawa ng assignment nila na hindi nila ginawa kahapon. Mga Estupido at Estupida! Hmmp!
Oo, pero hindi pa kasama ang mga teachers na namatay. Nasa anim na teacher na ang namamatay yata. Sagot ng katabi nyang si Jacob.
Ang Herzen ang pinaka maraming estudyante na namatay, anim na ang namamatay sa kanila. Sinundan ng Darm na may limang naitalang namatay na estudyante. Sabat naman ni Vinela. Hindi ko alam kung bakit magkatabi ang tatlong ito. Malamang ay nag lipatan sila ng upuan hmmp!
Paano kaya kung lumipat tayo sa Mund? O sa Haar? O sa Niere? O kaya sa Daumen! Hysterical na sabi ni Janice at nagtaka naman ako.
Oo nga no?! Ayun ang apat na section na wala pang namamatay ni isa! Kahit teacher ay wala pang namamatay doon! Tugon ni Vinela at tumawa naman si Jacob.
Sa tingin nyo ba ang papayagan tayong lumipat ng Section? Natatawang tanong ni Jacob at tumahimik yung dalawa.
Kung ganun ay ang apat na section na iyon ang ligtas... Sa ngayon siguro? Kasi ay malapit na sila sa rooftop.
Mag sasalita pa sana si Janice ng may pumasok na estudyante at humahangos ito kaya napunta ang atensyon namin sa kanya. Kung hindi ako nag kakamali ay nasa student council sya.
Si Alyana Meow Xavier. Treasurer sya ng unibersidad namin.
Lumipat muna kayo ng room sa 5 - 2, may aayusin lang sila dito sa room nyo. Madali! Hinihingal na utos nito sa amin at sinunod naman namin sya. Isinara ko ang bag ko at binitbit na ito palabas.
Baby Elico! Wait mo me! Sigaw ni David sa akin kaya huminto ako at bumalik sa pwesto namin at tinulungan syang iligpit ang gamit nya. Nang matapos kami ay lumabas na kami sa room at saktong kadadating lang ni Rei Xiu.
Walang klase? tanong nya sa akin at umiling ako.
Lilipat lang tayo sa 5 - 2 hmmp! sagot ko sa kanya at tumango tango sya at sumabay na sa amin. Nakita ko naman ang pagkaway nya kay Ace na nasa kabilang class room lang.
Bagay sila... Kesa dun kay Loire, Brent, at Nathan.
Kalandi oh! Hmmpp! Bati ko sa kanya at tumawa naman sya.
Hindi ah! Depensa nya at sarkastikong tumawa ako.
Habang nag lalakad kami ay napansin ko naman ang pagkataranta ni Rei Xiu. Kaya binabantayan ko sya dahil baka mamaya biglang mahimatay ito.
Anong problema nito? Hmmp!
Ilang saglit pa ay nakarating na kami dito sa room 5 - 2, at kakaiba to sa room namin sa baba! Kumpara sa room namin kanina, mas maaliwalas ang dating nito.
Pero sa kabila ng maaliwalas na dating nito ay ang amoy nito na kakaiba. Halos nakakasuka ang amoy nito kaya hindi muna pumasok ang iba sa amin.
BAKIT AYAW NYO PANG PUMASOK?! Malakas na sigaw na tanong ni Alyana sa amin at nakapameywang pa sya na akala mo ay presidente ng unibersidad na ito. Hmmpp!
Rubbish! Seriously?! Dito sa room na to? Sige nga subukan mong langhapin ang amoy sa loob nitong classroom. Rubbish! Inis na sagot ni Kristine sa kanya, at napangisi naman ako.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...