Bella Kenny Justine Ravendust
Ngayon na ang araw kung saan ikakasal na sila Rei Xiu. Four years na ang nakalipas mag mula nung nangyari iyon. Nauna naman kaming ikasal ni Brent. Last year lang kami ikinasal.
Ngayon ay 3rd year college na kami, at pumayag naman ang mga magulang nila Rei Xiu na ikasal sila.
At si Nathan? Simula nung lumipat kami ng University na pinapasukan ay nakahanap sya ng babae na mag mamahal sa kanya kahit pa alam nito ang mga nagawa nyang kasalanan dati.
Her name is Maddison Martin, at ngayon na rin ang kasal nila ni Nathan.
Ready na ba kayo? Tanong ko sa kanila habang inaayusan sila at pare parehas naman silang tumawa.
Si Eli at David ay inampon na rin nila Tita Levinia.
Hmmpp! I want to report it sa police!! Gaga excited na ako! Natatawang sagot sa akin ni Eli at tumawa tawa naman kami.
Kung nandito lang siguro si Heart ay matutuwa iyon! Rubbish! Sabat ni Kristine na ngayon ay binibihisan na.
It's November 19, 1999 na ngayon. Maddie! Talk to us naman! Sabi ni Rei Xiu kay Maddie at ito naman ay mahinhin na ngumiti.
Nahihiya ako hehehe...! A...ang ga...ganda nyo! Tugon nito na aming ikinatawa. Alam na rin ni Maddie ang tungkol kay Rei Xiu.
Mapagkakatiwalaan naman sya. Akala nga namin mag fre - freak out sya kapag nalaman nya na bampira si Ace, Rei Xiu, at Migo pati na rin ang parents nila syempre.
Mga besh, 'wag na 'wag kayong iiyak mamaya! Masisira ang make up nyo! Paalala ni Momshie Kein kila Rei Xiu. Sya rin ang nag ayos sa akin nung kasal ko. Lalaki si Momshie Kein, pero alam nya na pusong babae sya.
Gwapo nga!
Noted. Sagot ni Kristine at nag salamin salamin pa.
Okay! Ingat sa inyo mga besh! Paalam pa nito at isa isa na silang tumayo at nagpasalamat kay Momshie Kein.
Thank you talaga ah... Pagpapasalamat ko sa kanya dahil gumawa pa sya ng time para maisingit kami kahit na ngayon na ang flight nya.
Nako! Ayos lang iyon, Bellsy! Ikaw pa! Malakas ka sa akin. Tugon nito sa akin at marahan akong hinampas sa braso na aking ikinatawa.
Pero salamat talaga.. Sabi ko pa sa kanya at niyakap nya ako.
Oo na! Ikaw talaga Bellsy! Isang taon na ang nakalipas! Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang bata! Asik nya sa akin na aking ikinatawa.
Nag aaral pa ako! Tugon ko sa kanya at napakamot naman sya sa kanyang ulo.
Oo nga pala! Ikaw talaga! Nakalimutan ko! Sambit nya at tumawa pa.
Matapos ang usapang iyon ay binayaran ko na sya at umalis na kami. Papunta na kami ngayon sa simbahan, at nakasakay ako ngayon sa sasakyan ko kasama si Brent.
We're late, mate. I guess? Tanong sa akin ni Brent at hanggang ngayon ay tinatawag pa rin nya akong Mate! Parang si Ace! Minsan ang tawag kay Rei Xiu ay Mate, minsan babe, minsan Myob.
Minsan naman ay tinatawag ako ni Brent na Bella Boo at minsan ay Mate.
Nup! Sagot ko sa kanya at kinuha naman nya ang kamay ko at hinawakan iyon.
Tha gaol agam ort. Nakangiting sabi nya sa akin at tumawa naman ako dahil sa accent nya. I love you ang ibig sabihin nun sa Scottish.
Half American Half Scottish kasi kami ni Nathan. Si Rei Xiu ay half Chinese half american. Si Kristine na pure korean. Si Andrew na pure Filipino. Si Maddison na pure French.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...