Chapter 22

1.1K 17 0
                                    

Hello! Ang picture po na nasa taas ay basehan kung ano ang sinasabi ni Mango (He/She Alternative Name) Para makasunod po kayo, malayo po ang pagitan ng Chryso Garden at Themis Garden sa Wings ng Main Building ng Elementary. Thank you! Have a nice day!

---

Mango Pov

Naatasan ako na sundan ang babaeng hilaw upang kitilan na ito ng buhay ngunit kanina ko pa sya sinusundan at hanggang ngayon ay hindi ko sya mapatay!

Inilabas na kasi sya ni Porkchop sa classroom nila at inilayo sa mga kaibigan nya.

Ngayon ay nandito kami sa building ng mga Elementary kung saan nasa pinaka unahan ito ng Unibersidad.

Hindi lamang isang building ang sakop ng Elementary.

Kasalukuyan naming binabagtas ang Left Colonnade na papunta sa Left Wing ng Main Building ng Elementary.

Walang mga room dito kung hindi malaking bintana lang kung saan kita ang Garden.

Ang Sonnenlicht Garden na nasa harap ng Left Colonnade at ang Nacht Garden na nasa harap ng Right Colonnade.

At pinagi - gitnaan naman ng tatlong side na iyon ang quadrangle ng tatlong level. Elementary, High School, at Kolehiyo.

Nang makarating kami sa Left Wing ay nakikita ko na ang labas ng mga classroom nila kung saan may mga puno at mga puno ito na naghahati sa Left Wing ng Highschool at Elementary. Kapag dumaan ka sa mga punong iyan ay papunta na iyan sa Building namin.

Bawal ang mga Elementary na magpakalat kalat sa Borderline na iyan. Kung sino ang mahuli na pumunta sa Campus ng Highschool at College na walang paalam ay mapaparusahan. Ang mga Highschool at College ay maaaring pumunta sa Campus ng Elementary kahit walang paalam. 

Gaya ng sa Elementary ay may Main Building din ang High School, at College, pero nasa likod na iyon malapit sa dulo ng quadrangle.

Ilang saglit pa ay huminto na sya sa paglalakad at nag tanong sa isang guro na napadaan. Ako naman ay nag tago sa likod ng isang bata na medyo malapit sa kanila. 

Excuse me, Where Am I? Tanong nya sa guro at tumawa naman ang guro na napagtanungan nya. 

Ija, nandito ka sa Building ng Elementary. Sa kabilang Campus ka hindi ba? Bakit ka nandito? Sagot na tanong ng guro na kausap nya at napakamot naman sya sa ulo nya. 

Pinapunta po kasi ako rito, ngayon ay nawawala na po ako. Sagot nya at tumango tango naman ang guro na kausap nya. 

Ganun ba? Bumalik ka sa Main Building ng Elementary at pumunta sa Quadrangle doon ay makikita mo na ang gate papunta sa campus nyo. Sabi nung guro na nakausap nya at nagpasalamat naman sya at kaagad na tumalikod at humarap sa akin.

Buti na lang ay nakapag tago ako sa isang room dito!

Nang maka alis na sya at napatingin ako sa harap ko dahil may mga estudyante na nakatingin sa akin pati na ang teacher na nag tuturo. 

Sorry po! Maling room... Sabi ko at kaagad na lumabas. Nang makalabas ako ay kaagad kong hinanap sya, pero nawala agad sya! Wala na sya dito! Wut? Parang wala pang tatlong minuto ang nakakalipas wala agad sya? 

Twenty Minutes nga ang papunta doon sa campus namin simula sa Main Gate ng buong Unibersidad tapos nawala agad sya?! Palpak ako! Hindi ko nagawang patayin sya! Kaasar!

Wala akong nagawa kung hindi ang mag lakad pabalik sa campus namin, pero Hindi ako dadaan sa Gate papunta sa campus namin kung hindi sa Parking Lot ako dadaan. Ang parking lot lamang ang nag co - connect sa dalawang Campus, pero kailangan pa rin ng ID. 

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon