Lee Nathan
Kaarawan na ngayon ni David at sa Dorm lang namin idaraos iyon.
Pangalawang subject namin ito bago mag lunch. Thursday na ngayon at September Twenty One na ngayon.
Habang nag tuturo ang guro namin sa Filipino na si Mrs. Flores ay may bigla sumilip sa pinto ng room namin.
Si Violet Addison ito ang taga 11 Ohren. What is he doing here? Labag iyon sa rules na mag pakalat kalat sa hallway kapag may klase maliban nalang kung wala silang Klase.
Excuse me, Mrs. Flores, maaari ko po bang maka - usap si Andrew Graylash? Tanong ni Violet at tumigil naman sa pag di - discuss si Mrs. Flores at humarap ito kay Andrew.
Mr. Graylash may nag hahanap sayo. Tawag ni Mrs. Flores kay Andrew at tiningnan ko naman si Andrew na halatang kinakabahan.
Lumabas na ito at nag paalam si Violet na tatagal ang usapan nila ng sampung minuto dahil pupunta rin sila sa Faculty Room.
Sinang ayunan naman iyon ni Mrs. Flores at nag tataka ako dyan kay Andrew. Nagiging madalas ang pag uusap nila ni Violet. Minsan ay hindi na namin sya nakakasama sa pagkain ng Break at Lunch.
Maging si Kristine ay napapansin ko na rin na lagi wala at lagi silang mag kasama ni Andrew. Parang may kakaibang nangyayari sa dalawang ito.
Hindi ko na lamang muna iisipin ang tungkol sa pagiging kakaiba nila dahil baka bigla akong tawagin at wala akong maisagot.
Nathan! Ano nga ulit yung gagawin? Tanong ni Rei Xiu na halatang kagigising pa lang. Lagi na lang syang natutulog! Anak ng kamote!
Nyek?
Heh! Nakatulog ako, alam ko naman kung ano ang aaralin. Alam ko na yan lahat, pero hindi ko alam kung may gagawin na activity. Sabi nya sa akin na aking ikinatawa. Maging si Brent ay natutulog din.
Parehas kasi silang matalino kaya patulog tulog na lang sila sa klase. Lahat naman kami ditong mag kakaibigan ay matatalino, pero mas pinipili kong makinig kesa matulog.
Wala namang gagawin. May assignment lang. Sagot ko sa kanya at napatango tango sya.
Isinandal naman nya ang ulo nya sa balikat ko at nag simulang mag salita.
Ang nangyari kagabi, hindi ko pa rin makalimutan iyon. Paano kung ipagkalat ni Bella iyon? Tanong nya sa akin at ako naman ay hinawakan ang kamay nya saka pinisil pisil iyon.
Hindi nya ugali iyon. Tahimik lang si Bella at wala masyadong kaibigan kaya nga sya naging SSG President. Sagot ko sa kanya at napa tango tango sya.
Pero takot na takot sya sa akin kagabi, nabasa ko ang kanyang mga iniisip tungkol sa akin. Malungkot na sabi nya at niyakap ko naman sya.
Wala tayong magagawa dyan. Hindi natin mapipigil ang mga taong mang husga sa atin, pero mas mabuting gawin natin ang tama. Sabi ko sa kanya at nag bitiw sa pagkakayakap ko sa kanya.
---
Andrew Noah Graylash
Saan ba tayo pupunta? Tanong ko sa kanya dahil mukang hindi naman sa Faculty Room ang punta namin.
Si Violet Addison kasi ang representative ng buong Grade 11.
Sa Rooftop, dude. Sagot nya sa akin at hindi ko mawari kung bakit doon kami pupunta.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...