Chapter 25

1.2K 14 1
                                    

Deng Rei Xiu

What a day! Ang daming nangyari ngayon! Sana naman ay maging okay lang si Bella.

Wala silang nahanap na nagpakalat ng litrato ni Bella kaya ang kapalit ay mapuputulan ng daliri ang lahat ng nag tabi o nag tago ng litrato nya.

Wala na kaming klase dahil sa nangyari kaya umuwi na lang kami dito sa dorm namin.

Nandito ako sa room namin ni Heart at tahimik lamang syang nag babasa ng comics na ibinigay ko sa kanya.

Hmm.. Heart, punta lang muna ako kay Ace. Paalam ko sa kanya at ngumiti naman sya ng nakakaloko.

Sige, Girl! Sagot nya sa akin at mabilis akong nakapunta sa kwarto ni Ace na kanyang ikinagulat dahil nag bibihis pala sya!

Wala syang saplot pang itaas kaya kaagad akong napatalikod.

G'day, Mate! What are you doing here? Bati nya sa akin at ng masigurado ko na na naka bihis na sya ay saka ako humarap sa kanya.

Heh! Wala lang. Sagot ko sa kanya na kanyang ikinatawa.

Ako naman ay pumunta sa cabinet nya at namakealam ng gamit nya.

Nagulat ako dahil sa daming Sunscreen na nandito! Pumunta naman ako sa cabinet ni Brent at ganun din!

Luh?

Sunscreen talaga! Pwede pahinge? Tanong ko sa kanya at tumango lang sya kaya kumuha ako ng kaunti.

Ipapahid ko na sana ito sa balat ko ng tumunog ang pager ko kaya ipinunas ko na lang ito kay Ace.

Nag text si mommy at susunduin daw nila ako dito dahil kailangan naming umuwi sa America.

Luh? Why?

Sino yan? Tanong ni Ace sa akin.

Si mommy, uuwi raw kami sa America. Sagot ko sa kanya na kanyang ikinagulat.

Really? Mate? Tanong nya sa akin at tumango ako.

We're all born in Spokane Washington, except kay Nathan, Brent at Heart. Sagot ko sa kanya at nagulat naman sya.

Sa Alaska naman ako pinanganak. After ten years lumipat kami sa Australia. Kwento nya at napatango tango ako.

Ako naman ay umupo sa kabilang side ng kama ni Nathan at nakatalikod kay Ace.

Alam mo ba na malakas ang dating ko...namin sa isang tao? Ang amoy, boses, at...itsura namin ay ang sandata namin para sa mga huhulihin naming tao ngunit hindi tao ang hinuhuli namin kung hindi hayop. Malungkot na sabi ko sa kanya dahil baka nagugustuhan nya lang ako dahil sa boses, amoy at itsura ko.

My body is a weapon. We are a monsters, aren't you afraid to me? Muntik ko ng inumin ang dugo mo nung niligtas natin si Bella. Dagdag ko pa at narinig ko naman ang mahinang pag tawa nya at nagulat na lang ako ng bigla nya akong hawakan sa balikat.

No worries, mate! I can handle you! You are not a monster for me. Sabi nya at agad naman akong tumayo at niyakap sya.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang iniisip nila mommy. Nandito na sila! Kaya kong makabasa ng isip ng tao at bampira, pero kapag nasa loob na sila ng three miles na layo sa akin.

Ngunit depende pa rin iyon sa tao o bampira. Kapag sobrang close ko ang isang tao o bampira ay mababasa ko kaagad ang iniisip nila kahit na Eight miles ang layo sa akin.

Pero ang standard ay three miles. Kapag hindi ko masyadong close ang isang tao o bampira ay hindi ko sya kaagad mababasa kahit na nasa loob na sya range ko. Mababasa ko, pero malabo at magulo.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon