David Miller
Kakauwi ko lang ngayon galing sa University.
Inihatid ko pa muna si Elico ko kanina, at hanggang ngayon malungkot pa rin sya.
Simula kasi nung mawala ang lola nya ay hindi na muling nag text o tumuwag ang mga magulang nya.
Hindi rin nya nakita ang lola nya na ilibing, simula noon ay sunod - sunod na rin ang nangyaring pagpatay.
Nag hubad ako ng uniporme ko, at kinuha ang phone ko at nag simulang pindutin ang number ni Elico, upang tawagan ito.
Ow? Sagot nya, at tumawa naman ako.
Watcha doin? Tanong ko sa kanya, at paniguradong umirap na naman ito.
Well, pinakanta kasi ako ni yaya, kasi nandito yung mga anak nya. Tapos naka ninety eight over hundred ako! Hmmp! Mataray na pag kwe kwento nya, at tinawanan ko sya.
Kudos! Kudos! Elico! Bati ko sa kanya, at narinig ko naman ang malayong pagtawa nya. Malamang ay mag bibihis din sya.
Aba! Si Elizabeth Rose Taylor kaya ito! Hmmp! Sabi pa nya at parehas kaming tumawa.
Elizabeth Rose ang buo nyang pangalan, pero mas sanay syang tawagin na Eli.
Nga pala Baby kanina bago tayo umuwi diba ay nag cr ako. Sabi nya.
Oh tapos? Tanong ko sa kanya.
Pagkalabas ko sa cr ay parang may nakatingin sa akin, at ng hanapin ko iyon ay nakita ko sya sa may locker area at nakatayo sya nakatingin sa akin. Hindi ko nga lang naaninag ang muka nya. Hmmpp! Sagot nya sa akin at kahit bakas sa tono nya ang pagkamasungit ay ramdam ko pa rin ang takot sa kanya.
What? Anong ginawa mo? Tanong ko sa kanya.
Wala, umalis agad ako at pinuntahan kayo. Natatakot ako! Hindi tayo nakakasigurado kung sino ang pumapatay, at kung sino na ang susunod! Kung meron man! Sagot nya sa akin at nawala na doon ang pagkamataray at napalitan ito ng takot.
'wag kang mag alala! Proprotektahan kita. Matapang na sa sabi ko, at tumawa tawa naman sya.
Madami pa kaming pinag usapan, ang iba dito ay tungkol sa mga gagawin namin bukas, at mga goals namin ngayong buwan na ito.
Hindi kami nag uusap tungkol sa future namin dahil hindi naman namin alam kung anong mangyayari sa amin sa hinaharap.
---
Tapos na akong maligo, at maayos ang mga gamit ko. Nang tingnan ko ang phone ko ay nakita ko na may unread messages ako.
Kaagad ko namang kinuha iyon, at unang binasa ang text ni Elico ko.
---
From Elico: Baby, I'm tired, matutulog na ako. Good night and love you!
From Elico: Matulog kana rin!
---
Iyan ang messages ni Elico ko sa akin. Ako naman ay nag reply ng...
---
To Elico: Love you too! Sweet dreams my Elico.
---
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...