Chapter 10

1.6K 20 0
                                    

Deng Rei Xiu

Nandito na ako sa bahay, at parang ang tahimik dito. Hindi naman umalis sila mommy kasi nandito pa rin ang car nila.

Wala kasing nag bukas ng gate sa akin kaya bumaba pa ako.

Wala siguro si yaya? Date off nya yata ngayon.

Bumaba na ako sa sasakyan ko at pumasok sa bahay namin.

Nang makapasok ako dito ay narinig ko ang pag sisigawan nila mommy at daddy sa kwarto nila.

Ibinaba ko muna ang bag ko sa gild at hinubad ang sapatos ko. Dito ay umakyat ako sa second floor namin at pumunta sa kwarto nila mommy.

Natatakot ako para sa kanya! Rinig kong sabi ni mommy kaya nag tago muna ako dito sa may gilid ng pinto.

Pero mukang hindi pa sya handa. Sagot naman ni daddy na seryosong naka - upo sa kama at sumisipsip ng Tomato Juice.

Eighteen na sya, ito na ang tamang panahon para ipaliwanag ang lahat sa kanya. Tugon naman ni mommy at nag taka ako kung sino ang tinutukoy nila.

Kaya bago pa makapagsalita si daddy ay pumasok na ako kahit na alam kung masama ang makinig sa usapan ng iba! Lalo na at mas mas matanda sayo.

Si...si...sino po ba ang tinutukoy nyo? Utal utal na tanong ko sa kanila at mabilis naman na nilingon ako ni mommy.

Parehas silang nagulat sa pag dating ko. Si mommy naman ng makita ako ay bumuntong hininga.

Mint... Tawag sa akin ni mommy sa nickname ko. Kanina ka pa ba dyan? Tanong sa akin ni mommy at tumango muna ako bago mag salita.

Kararating ko lang po galing sa school. Sorry po, hindi ko po napigilan na hindi makinig sa usapan ninyo. Sagot ko sa kanya at napayuko dahil sa kahihiyan.

Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si mommy, at iginiya ako sa kama at pinaupo.

Ayos lang iyon. Mabuti't narinig mo ang mga iyon dahil ito na ang tamang panahon para sabihin sayo ang katotohanan. Nakangiting sabi sa akin ni mommy at napakunot naman ang noo ko dahil doon.

Anong katotohanan? Ako'y nalilito. Ano bang meron?

Ang katotohanan na tayo ay bampira... Biglang sagot ni daddy sa akin kahit na hindi ako nag tatanong sa kanya. Ako naman ay nagulat dahil sa sinabi sa akin ni daddy.

Bampira? Heh! Prank ba to? Heh!

Heh?! Ano ba 'yan daddy! Wala pang April. Natatawang sabi ko sa kanya at tumayo naman sya, at nag lakad papunta sa may pader, at nagulat ako sa sunod na nangyari.

Totoo ba itong nakikita ko? Si daddy ay nag lalakad sa pader gamit ang mga paa nya! Ilang saglit pa ay nakarating na sya sa may kisame ng kwarto nila at nakabaligtad.

Ngayon mo sabihin na prank ito. Sabi ni daddy sa nanghahamon na boses.

Ako naman ay tumayo at nag simulang manginig. Nanginginig ang mga kamay ko!

Pumunta ako sa may bintana at sumilip dito, mag gagabi na...

Hi...hindi ko alam! Pa...paano tayo naging ba...bampira? Utal na tanong ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Kalmahin mo muna ang sarili mo. Sabi ni mommy sa akin, at nag concentrate ako na kumalma.

Inisip ko ang mga bagay na nakakapag pasaya sa akin at ilang saglit pa ay nagawa kong kumalma.

Nang kumalma ako ay humarap ako sa kanilang dalawa at hindi ko pa rin alam kung ano ang pinagsasabi nila.

Now what? Kalmadong tanong ko sa kanila at pinalapit naman ako ni mommy sa kanila kaya lumapit ako sa kanila.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon