Chapter 31

1K 17 0
                                    

Kim Kristine Joy

Dinala ko na si Rei Xiu dito sa Principal Office at ngayon ay kasalukuyan ko syang pinapakalma dahil baka bigla syang may magawang makaka apekto sa kanya.

Lumi, calm down. Hindi makakabuti sayo yan. Sabi ko sa kanya habang naka upo sya sa guest chair.

Kaya kong kumalma, pero may mali talaga akong nararamdaman dyan kay Mr. Choi. Tugon nya sa akin at ako naman ay lumapit sa kanya at hinimas ang likod nya.

Magiging maayos din ang lahat ang kailangan lang natin ay magtago. Sabi ko sa kanya at umiling iling sya. 

Hindi natin kailangan mag tago, kaya ko kayong iligtas. Sabi nya sa akin at tumawa naman ako ng mahina. 

Alam ko iyon, Lumi, pero paano ang sekreto mo? Malalaman nila iyon! ani ko sa kanya dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya. 

Hindi talaga maganda ang kutob ko, Tine! Nung una ay pinag bintangan nya ako na ako raw ang pumapatay! Asik nya sa akin at napakunot naman ang noo ko. 

Anong ibig mong sabihin? Tanong ko sa kanya. 

Nung nag cr yata ako nun, may sumundo sa akin at inihatid ako dito at pinagbintangan nya ako na ako raw ang pumapatay kahit na hindi naman. Sagot nya sa akin at hindi ko sya maintindihan. 

Kailan nangyari iyon? Tanong ko sa kanya.

Nakalimutan ko na, pero first month ko yata iyon dito. Napapakamot sa ulo na sagot nya sa akin at tumango tango naman ako. 

Unti - unti kong napagtanto na si Rei Xiu ang gagawing suspect! Sya ang mapag bibintangan sa lahat ng pagpatay na naganap dito! 

Lumi... Kailangan mong mag ingat, at kahit anong mangyari ay pigilan mo ang galit mo kay Mr. Choi. Babala ko sa kanya at sya naman ang kumunot ng noo. 

Bakit? Tanong nya at inilapit ko naman ang bibig ko sa tainga nya.

Dahil kung lalo mong gagalitin si Mr. Choi ay baka sayo mapunta ang sisi. Ikaw ang mapagbibintangan sa mga pagpatay na nangyayari dito. Sagot ko sa kanya.

Paano naman? At paano mo nalaman? Naguguluhang tanong nya sa akin. 

Tatlong taon ang nakaraan ay may classmate kami ni Andrew na pinag bintangan ni Mr. Choi sa mga pagpatay na naganap noon dito. Gaya mo ay galit din sya kay Mr. Choi, at gaya mo ay pinatawag din sya sa Office ni Mr. Choi na kahit sino mang estudyante na walang posisyon ay hindi pinapayagang makapasok...Kaya baka... baka... baka maulit ang nangyari sa kanya sayo. Paliwanag ko sa kanya at gulat naman syang tumingin sa akin.

Ibig sabihin nakaligtas kayo dati? Tanong nya sa akin at marahan akong tumango.

Kaya please lumi. Mag ingat ka! bilin ko sa kanya at tumingin tingin naman sya sa paligid atsaka maharang tumango. 

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng Office ni Mr. Choi at sya ang bumungad sa amin kasama si Bella at Stacy.

Your gadgets please. Sabi nito sa amin at wala kaming nagawa kung hindi ang ibigay sa kanya ang gadget namin. 

Mwongmi!!

Nang makuha nya na ito ay ibinigay nya ito kay Stacy at umalis na ito. Kaming apat na lang ang naiwan dito.

You may now go, Ms. Kim. Sabi sa akin nito ng maka upo na sya sa upuan nya at napatingin naman ako sa kanya at kay Rei Xiu. 

Tinanguan naman ako ni Rei Xiu kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at lumabas ng Office.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon