Chapter 18

1.2K 19 1
                                    

Elizabeth Rose Taylor

Isang linggo na ang nakakalipas mag mula nung niligawan ni Ace si Rei Xiu hmmp! At mukang nag kakamabutihan na sila.

At bukas ay ang kaarawan ni Baby David ko! Hmmp! September 21 ang birthday nya habang ako ay November 1.

Ngayon ay Lunch namin at kanina ay may nangyari na namang pagpatayan! At may sampung namatay na estudyante. Lima noong matapos umamin ni Rei Xiu na isa syang bampira. Nung umaga matapos ang pag amin nya ay may namatay na limang estudyante.

Dalawa sa Haar, Isa sa Mund, Isa rin sa Niere at isa rin sa Daumen. Ngayon araw na ito ay may naitala ulit na limang namatay mula sa section na nabanggit kong iyon.

Zup Elico! Bati ni David sa akin at kaagad na inakbayan ako.

Hi Baby David! Hmmmpp! Masungit na bati ko sa kanya at hinalikan nya ako sa ulo.

Nag iisip pa ako kung ano ang bibilhin ko na regalo para sa kanya.

Nang maka isip ako kung anong ireregalo ko sa kanya ay dahan dahan kong inalis ang pagkaka - akbay nya sa akin.

Why Elico? Tanong nya sa akin at ako naman ay tumayo.

Aalis muna kami ni Heart, maiwan kayo dito. Sagot ko sa kanya at tiningnan nya ako ng nag papaawa.

Sama ako, Elico... Please! Pagmamakaawa nya at tumawa naman ako.

Hmmp! Hindi pwede. Babalik din kami. Sa mall lang naman kami pupunta. Sabi ko sa kanya at bumuntong hininga sya.

Nag paalam na ako sa kanya at ibinilin kay Rei Xiu na bantayan mabuti si David dahil baka tumakas ito at sundan kami.

---

David Miller

Tatayo na sana ako ng biglang lumapit sa akin si Rei Xiu ng mabilis.

Heh! Where are you going? Tanong ni Rei Xiu sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay.

Bibili lang ng pagkain. Kinakabahang sagot ko sa kanya at kumunot naman ang noo nya.

Here's your food ah? You ordered it kaya. Sabi nya sa akin at itinuro ang inorder kong pagkain na kanin at chicken.

Sige na oh, Minty oh! Pasunurin mo na ako kila Eli. Pagmamakaawa ko sa kanya at tumawa naman sya.

Heh! Hell no! You're not going anywhere. Masungit na sabi nya at ako naman ay walang nagawa kung hindi ang umupo nalang ulit sa kinauupuan ko.

Makalipas ang dalawang pu't isang minuto ay tumunog na ang bell at ang ibig sabihin nun ay kailangan na naming bumalik sa classroom namin.

Pal! Want to give it a shot? Tanong sa akin ni Nathan at habang nag lalakad kami pabalik sa classroom namin. May dala syang basketball at napangisi naman ako.

Sure, Bro! Sagot ko sa kanya at ng malapit na kami sa building namin ay humiwalay kami ni Nathan sa kanila, pero hindi pa kami nakakarating sa kabilang Building kung saan nandun ang Gymnasium namin ay kaagad kaming hinarang ni Minty.

Heh! Bumalik sa room, hindi pumunta sa iba. Masungit na sabi ni Minty at inakbayan naman ni Nathan si Minty.

Nyek, pal? Hayaan mo muna kami, mag sho - shoot lang naman kaming dalawa ni David. Pang kukunbinsi ni Nathan kay Minty at tinanggal nito ang pagkaka akbay sa kanya ni Nathan.

Cadaver University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon